KIDAPAWAN CITY — Nakahandusay at naliligo sa kanyang sariling dugo ang isang 55-anyos na lalaki matapos na pagbabarilin ng gunman patalikod habang naglalaro ng bilyar sa Public Market ng Pikit, North Cotabato, umaga ng Martes.
Kinilala ang biktima na si Rex Makasesa Walis na residente ng Sitio Lamak ng nasabing bayan.
Sa ulat na nakarating kay Police Senior Inspector Arvin John Basilio Cambang alas-11:15 ng umaga habang naglalaro ang biktima ng bilyar ay bigla na lamang nilapitan ng suspek na nakatakip ang mukha at pinagbabaril ang biktima sa likurang bahagi ng kanyang ulo.
NArekober sa crime scene ang pungko ng kalibre .45 na ginamit sa pagpaslangkay walis.
Personal na alitan ang dahilan ng krimen kungsaan nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasiyon ang mga otoridad. Rhoderick Beñez