Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Larawan ng 2 “spy” na pinugutan ng jihadist, inilabas ng ISIS
  • Featured
  • Mindanao Post

Larawan ng 2 “spy” na pinugutan ng jihadist, inilabas ng ISIS

Desk Editor April 21, 2016
Ang dalawang lalaki na brutal na pinatay ng mga jihadists sa Lanao del Sur sa larawang ito na inilabas ng ISIS.
Ang dalawang lalaki na brutal na pinatay ng mga jihadists sa Lanao del Sur sa larawang ito na inilabas ng ISIS.

 

LANAO DEL SUR – Inilabas ng mga jihadists sa ISIS channel ang brutal na pagpatay nito sa dalawang magkapatid na lalaki na kabilang sa 6 na dinukot sa Lanao del Sur, isa sa 5 lalawigan ng magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa naturang mga larawan, makikita sina Salvador Hanobas, alias Tado; at Makol Hanobas, alias Macky, na nakaluhod at may piring ang mga mata at suot ang kulay orange na damit tulad ng mga bihag ng ISIS sa Syria, habang nakapaligid ang mga maskaradong jihadists.

Ipinakita rin ng mga ito ang pugot na ulo ng magkapatid sa naturang propaganda. Pinakawalan ng grupo ang 4 – Julieto Hanobas, Alfredo Anoos, Gabriel Permites at Adones Mendez – na pawing mga sawmill operators at kasamahan nina Salvador at Makol na inakusahang ng mga jihadists sa ilalim ni Abdullah Maute alias Abu Hasan – na siya rin nasa likod ng madugong atake sa bayan ng Butig nitong buwan lamang.

Noong nakaraang buwan, pinugutan ng ulo ng grupong Ansarul Khilafah ang isang lalaki na pinaghinalaang rin spy ng pulisya. Nadakip umano ang di-pa nakikilalang lalaki na umano’y taga-General Santos City habang nagiikot sa ilang mga barangay sa Sarangani.

Naglabas pa ng video ang ISIS sa karumal-dumal na pagpatay sa 43-anyos na biktimang Kristiyano ito. “This jāsūs (spy) was roaming and sniffing around the area of the Ansaru’l Khilafah Philippines in Saranggani Province,” pahayag pa ng ISIS.

Ang Ansarul Khilafah – na karamihan ay nakabase sa lalawigan ng Maguindanao at Lanao del Sur sa Autonomous Region – ay naunang nagpahayag ng suporta sa ISIS noong nakaraang taon. Kaalyado nito ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at ilang mga commanders ng Moro Islamic Liberation Front at kabilang sa mga miyembro nito ay pawing mga Indonesian at Malaysian jihadists. (Mindanao Examiner)

Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Norovirus outbreak reported in Zamboanga City
Next: ARMM conducts ‘Lakbay Edukasyon’ for school and barangay officials

Related News

ZC1
  • Mindanao Post

Zamboanga Winners Proclaimed

Desk Editor May 13, 2025
Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Zamboanga Winners Proclaimed ZC1 1

Zamboanga Winners Proclaimed

May 13, 2025
PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners PhilHealth-DepEd1 2

PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners

May 13, 2025
Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 3

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 4

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 5

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.