Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Letters to the Editor: LMK Iligan at Marawi City lalahok sa mga Pagkilos para sa Kalayaan laban sa Kurapsyon

Letters to the Editor: LMK Iligan at Marawi City lalahok sa mga Pagkilos para sa Kalayaan laban sa Kurapsyon

Editor June 10, 2014
Letters-to-the-Editors5

MATAPOS ang desisyon ng mga kilusan at organisasyon sa Iligan at Marawi City na lalahok sa mga pagkilos sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas ngayong ika-12 ng Hunyo 2014 bilang pagpapakita ng pagkamuhi nito sa Kurapsyon at pagkilos upang maging malaya dito at sa pananamantala’t kahirapan ay abala na ang lahat sa preparasyon at iba pang gawain tungo sa nasabing araw.

Dahil sa ang araw na ito ay ang pagdiriwang ng pamahalaan sa araw umano ng kalayaan mula sa dayuhang pananakop ay nais iparating ng mga progresibong grupo’t mga mamamayan ang kanilang diskontento at mga panawagan sa mga kapwa mamamayan at sa mismong pamahalaan. Nakikita natin ito na litaw at walang esensyang kalayaan dahil mas nalugmok pa sa kawalan ang taumbayan sa pamamayagpag ng Kapitalistang Demokrasya na naghahari.

Batid ng lahat ang usad-pagong na imbestigasyon sa kasong bilyones na kurapsyon at tila ba namimili ng masasagasaan ang “tuwid na daan” ng administrasyong  Aquino (P-Noy), kaya ang sigaw ng mga kilusa’t mamayan ay IKULONG na ang LAHAT na SANGKOT!

Ang Liga Ng Makabagong Kabataan ay makikiisa rin sa mga pagkilos na ito dala ang adyendang PALAYAIN ang SANGKATAUHAN at KALIKASAN mula sa KAPITALISMONG PAGHAHARI at PANDAYIN na ang EKOSOSYALISMONG BALANGKAS sa Ekonomiya, Politika at Kultura.

Panawagan lalo pa ng LMK na palayain ang hanay ng kabataan mula sa karahasan sa loob ng mga paaralan at sa pagsasapribado ng mga panlipunang serbisyo lalo na ang edukasyon, sa halip ay gawin itong prayoridad at taasan ng pundo.

Dagdag pa, nais ding ipanawagan ng LMK at mga kasamang kilusan na SUPORTAHAN ang Pakikibaka sa Sariling Pagpapasya ng Bangsamoro na hindi yuyurak sa Karapatan ng Mamamayang Lumad at Pilipino.

Hinihikayat natin ang lahat ng uring inaapi’t manggagawa na lumahok sa mga pagkilos para sa Kalayaan mula sa Kahirapan, Kurapsyon at Pananamantala!

Ngayong Hunyo 12, 2014 Sa Iligan City Post Office 2.30 ng Hapon

KABATAAN, LUMABAN! MANINDIGAN! KUMILOS!

Liga ng Makabagong Kabataan
Iligan and Marawi City
lmkabataan@yahoo.com.ph
10 June 2014

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Basilan province forms task force to address coconut insect infestation
Next: Letters to the Editor: The Status of the Draft Bangsamoro Law

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.