
NOONG December 26, 2014 naka-uwi si Ate Marife Anzano sa Pinas, pagkatapos ng isang taon at kalahating pagtiiis sa kamay ng POLO (Philippine Overseas Labor Office). Nakauwi si Ate na hindi alam ng amo niyang babae, di alam ng taga-POLO at di alam ng agency. So walang sapilitan na quit claim na papirmahan para hindi magkaso sa kanyang agency at walang sapilitan na attestation letter na papirmahan na nakasulat maayos ang serbisyo ng POLO Al-Khobar.
Maganda ang nangyari para mapapatuloy ang laban ni Ate Fe pagdating sa Pinas, laban sa kanyang agency at laban sa abusadong taga-POLO na maliban sa nagpabaya sa kanya ay harassment pa ang ginawa ng POLO sa kanya na dapat sana nilang tinulungan.
Nasa ibaba ang one hour-plus video interview namin kay Ate Fe, sa mga tao na may puso, maantig kayo sa ordeal ni Ate Fe, ang kanyang struggle, ang pakipaglaban sa karapatan. at paghihirap sa pang-aapi na ginawa ng POLO Al-Khobar sa kanya. Nasa ibaba din ang summary namin tungkol sa kanyang kaso if wala kayong time na panoorin ang video. Nasa ibaba ang previous email namin tungkol kay Ate Fe. Naka-attached din ang mga reklamo ni Ate Fe sa ahensya ng gobyerno sa Pilipinas, mga ahensya ng gobyernong dedma.
Ang kaso ni Ate Fe ay napakasimple lamang. Pero kahit isang beses ay walang nagawang tama ang mga tauhan ng POLO Al-Khobar maging diyan sa Pinas.
Si Ate Fe ay nag-trabaho sa parlor na pagmamay-ari ng Pilipina na may asawang Arabo. May labor disputes katulad ng sobrang oras sa trabaho, ang sahod sa contract ay hindi nasunod at pagiging beautician hindi sa parlor kundi sa bahay-bahay.
Dumulog si Ate sa POLO (Eastern Region Operations) ERO, nang makausap ang coordinator ng POLO sa Jubail sa telepono, ang sabi ay mananagot ang employer mo na yan. Pero nang bumisita ang taga-POLO sa Jubail kasama ang kanilang coordinator at kaharap ang amo na Pinay, ang Saudi na amo at si Ate Fe. Ang nangyari sa halip na tulungan ng POLO si Ate Fe pa ang pinahingi ng sorry at pababayarin pa ng 17,000 Saudi riyals na refund daw sa gastos ng kanyang employer.
(Ito yong kadalasan na problema sa mga taga-POLO at mga coordinators ng POLO, sa halip na kampihan ang mga Pinoy workers laban sa abusadong amo ay sa amo sila kumakampi, at lalo na ang mga coordinators dahil sila ang nilalapitan ng mga employers na gustong magpa-verify ng contract sa POLO meaning hindi pa nakapag-hire ng tao ang employer kaibigan na nila ang taga-POLO or ang coordinator ng POLO.)
Kung may disputes between employer at worker, ang solusyon diyan ay maging fair at magkaroon ng maayos na resulta. Fair kung kakampi ang POLO sa OFW dahil trabaho nila yan. Fair lang din kung magpapagitna. Ang hindi tama ay ang palaging ginagawa ng POLO Al- Khobar na doon pa sa employer kumampi at pagagalitan ang worker sa harapan ng employer.
Nang hindi magkasundo at alam ni Ate na wala syang maasahan sa POLO, pa-sikreto siyang nagsampa ng complaint sa Saudi Labor Office sa Jubail. Akala ng kanyang amo at nang POLO ay tumakas na si Ate. Pero nang tinawagan ng taga-POLO ay nakabalik na ng bahay si Ate. Pumunta ulit ang taga POLO Al-Khobar sa Jubail pero sa halip na dalhin sa Al-Khobar ay idiniretso nila sa police station. Ipapakulong daw at nag-runaway. Mabuti na lamang at nauna nang nakasampa si Ate Fe sa Saudi Labor Office ng complaint. Sinabihan ang taga-POLO ang employer ni Ate ng taga-police station na hindi ninyo puwedeng ipakulong ito dahil may pending case sa Saudi Labor Office.
Ayaw na ni Ate na bumalik pa sa kanyang employer so ibinigay ng among Saudi ang custody kay Ate Fe to Samuel Madrid, isang POLO Officer. Galit na galit ang coordinator ng POLO sa Jubail kay Ate Fe kung bakit nagkakaso pa sa Saudi Labor Office laban sa employer nito.
Dinala si Ate ng taga-POLO doon sa shelter ng POLO na para sa mga runaway domestic workers na inuupahang bahay ng isang translator ng POLO. Doon siya nag-stay kasama ng mga iba pang runaway domestic workers at alam na alam ni Ate kung gaano kasama ang trato ng POLO sa mga distressed na kasambahay na nandoon.
Sa Preliminary Commission o Lower Court ng Saudi Labor Office, as expected at palaging nangyayari, since ang translator during court hearings sa Preliminary Commission ay taga-POLO rin. Mag-isang lumaban si Ate sa Saudi Labor Office habang ang translator ay di naman ginampanan ang kanyang trabaho. Ang naging hatol ay babayaran si Ate ng halaga, exit visa at ticket.
Hindi kuntento si Ate sa naging desisyon dahil alam nya na hindi naiparating ang kanyang gustong sabihin doon sa korte. Kaya, nag-apela si Ate sa desisyon ng Korte sa Higher Commission. Ang pag-apela ni Ate ay ikinagalit ng coordinator ng POLO sa Jubail at pinagsalitaan si Ate ng masasamang salita at may halong pagbabanta sa buhay ni Ate at maging sa kanyang asawa. Ang asawa ni Ate ay nasa Dammam din. Legal sila na mag-asawa sa Pinas at dito sa Saudi. Ang lalong ikinasasakit ng loob ni Ate ay pinagsabihan pa siya na hindi niya totoong asawa ang mister niya.
Dahil sa pananakot at pagbabanta, nag-complaint ngayon si Ate Fe sa police station laban sa coordinator ng POLO sa Jubail. Hanggang sa dumating sa Prosecutor’s Office. Sinamahan siya ng translator na taga-POLO. Again as expected, hindi naiparating ng tama ang complaint ni Ate Fe dahil ang translator ay taga-POLO. So malayang-malaya ang coordinator, tuloy ang ligaya.
Isang epekto sa pagsumbong ni Ate Fe sa police station ay nang tinanong siya kung saan siya nakatira at sinabi niya na nasa shelter ng Philippine Embassy para sa mga runaways. Hindi naman alam ni Ate Fe na ilegal ang pagkaroon ng shelter ng runaways sa Dammam at ilegal din ang pagkaroon ng Embassy office sa eastern province. Kaya minamadali ng POLO na paalisin ang mga runaways sa shelter. Iyong mga runaway na nasa ilegal na shelter sa Dammam ay dinala dito sa Riyadh. Wala nang naabutang runaway ang mga police nang binisita nila ang shelter.
Maganda na rin at nasara iyon dahil doon nakaranas ang mga kababaihan ng pang-aabuso sa kamay ng mga taga-POLO. Remember ang case ni Adam Musa? Saksi si Ate Fe at marami siyang isisiwalat na istorya sa mga pinaggawa ng mga taga-POLO doon sa shelter. Ngayon sa sama ng ugali ng POLO, pinalabas pa nila na nasara ang shelter dahil isinumbong ni Ate Fe sa police. Walang alam si Ate Fe na illegal ang shelter doon. Sinabi ni Ate Fe iyon sa police dahil tinanong siya kung saan siya nakatira.
Isa pang ginawang kalokohan ng POLO Al-khobar ay pinagawa nila ng sulat ang mga ward sa shelter at pinapirma na isang hindi mabuting babae si Ate Fe. Ang masama talaga na amoy kahit anong tabon ay lalabas rin dahil ang lahat ng mga pumirma doon ay nagsulat kay Ate Fe na pinilit sila ng POLO at wala silang magagawa dahil maapektuhan ang kanilang pag-uwi.
Si Ate Fe ay naiwan sa Dammam, pinabayaan ng POLO Al-khobar na may papel pa naman sila na custody nila si Ate Fe. Kaya si Ate Fe ay nangupahan ng kuwarto sa flat ng kababayan at sinuportahan ng kanyang asawa na nagta-trabaho sa Dammam.
Lumapit sa “Patnubay” si ATe Fe noong wala na siyang mahanap na kakampi para sa labor case na inapela niya at para ipagpatuloy ang police case laban sa coordinator na nagbanta at nambastos sa kanya.
Sa kanyang apela sa labor case, humiling tayo ng tulong sa aking pinsan na taga-Dawah Islamic Center sa Dammam para magiging interpreter kay Ate sa kanyang apela sa Higher Commission. Walang nabago sa desisyon at kung ano ang desisyon ng Lower Court ay ganoon din. Ang kagandahan nga lang ay satisfied si Ate Fe sa naging resulta dahil nakita niya ang pagmamalasakit ng interpreter mula sa Dawah Islamic Islamic Center. Nabayaran si Ate Fe, nabigyan ng ticket at exit visa. Nakauwi na at hindi alam ng among babae na Pinay at ng POLO at ng kanyang agency. Malaya niyang ipagpapatuloy ang kanyang laban sa Pilipinas.
Sa police case na nai-file ni Ate laban sa coordinator ay nasarado ito ng hindi niya alam. Expected natin ito na mangyari dahil madali lang sa taga-POLO ang magsabi sa police, na napatch-up na namin ito. So binalikan ni Ate Fe ang police station at umiyak siya doon. Kaso na-closed na ang case. So tinulungan namin si Ate Fe na gumawa ng sulat para sa Governor of Eastern Province para i-reopen ang case at imbestigahan ang abusadong coordinator ng POLO. Nang ipapa-translate na sana namin ang letter ni Ate Fe to Arabic, namatay ang coordinator ng POLO dahil sa bangungot.
Iyan ang karma, yan ang gaba sa kanyang ginawa sa isang babae na matanda at inapi ng kababayan sa halip na tulungan ng mga tauhan ng gobyerno na dapat umalalay sa kanya.
Labor Secretary Rosalinda Baldoz, sa dami ng mga complaints namin, bakit parang enjoy na enjoy ka sa ginagawa ng mga tauhan mo dito? Sana inisip mo na ikaw ay isang babae at hindi mo ba alam na ikaw ay napakatanda na? Sana, Secretary Baldoz, tinugunan ninyo ang complaints ni Ate Marife Anzano.
Mag-iingat kayo sa dasal ng mga inaapit nyo!
I spoke with Ambassador Ezzedin Tago, at tinanong ko siya kung anong actions ang ginawa niya sa complaints na nai-submit ni Ate Fe sa Embassy. Ang sabi ni Ambassador ay pinasagot niya ang POLO at pareho niya itong nai-forward sa DOLE. Which is just fair to me, dahil kahit anong gawin ni Ambassador ay hindi naman niya sakop ang mga taga-POLO.
I clarified with Ambassador Tago if true ba na pinapunta niya si Ate Fe Anzano sa Riyadh. Ang sagot ni Ambassador ay dahil sa request ni Ate Fe ng shelter. Pinaliwanag ko kay Ambassador na hindi puwedeng pumunta si Ate Fe sa time na yon dahil may pending appeal sya sa Higher Court ng Saudi Labor Office sa Dammam at in-explain ko kay Ambassador Tago na si Ate Fe ay umupa ng kwarto sa Dammam para doon mag-stay habang nilalakad nya ang kaso nya.
Yon sana ang hiniling niya (Tago) sa government matulungan siya sa kanyang rent. Dapat lang sana na government ang mag-shoulder ng expenses dahil kay Samuel Madrid siya tinurn-over ang custody mula sa kanyang amo.
Para sa lahat, nasa baba ang buong detalye ng kwento ni Ate Fe, Naka-attached din dito ang kanyang mga complaints letter sa mga ahensya ng gobyerno ng Pilipinas na hanggang ngayon ay wala pang tugon sa kanyang reklamo. Nai-record din kami ng video interview kay Ate Fe.
Mabuti pa sa gobyerno ng Saudi Arabia, may hustisya. Sa gobyerno ng Pilipinas, enjoy na enjoy sila sa mga pang-aabuso ng mga tauhan na pinadala nila rito.
Video Interview ni Ate Fe Anzano: https://www.youtube.com/watch?v=bnYQhWfhBDk
Maraming salamat at Maligayang bagong taon,
Joseph ng Patnubay