
KIDAPAWAN CITY (Mindanao Examiner / Jan. 11, 2013) – Binaha ng husto ngayon Biyernes ang malaking bahagi ng Caraga region sa Mindanao matapos na bumuhos ang napakalakas na ulan.
Maging ang mga biyahe ng eroplano at barko ay sinuspinde na rin ng mga awtoridad dahil sa nakaambang peligro. Suspendido na rin ang mga klase sa paaralan sa maraming lugar sa naturang rehiyon.
Tinatayang aabot sa mahigit 3,000 katao ang apektado ng flash flood sa lungsod ng Butuan at lalawigan ng Agusan at Surigao.
Hindi pa mabatid kung may inulat na nasawi sa naturang pagbaha at kung gaano kalawak ang pinsalang dala ng ulan sanhi ng malawak na low pressure area na nakaibabaw ngayon sa Mindanao at bahagi ng Visayas at Bicol region. (Mindanao Examiner)