COTABATO CITY – Isa sa mga staunch supporter at campaigner ng natalong presidential candidate na si Esmael Mangudadatu, ang gobernador ng Maguindanao, ay nag-sumite umano kay President-elect Rodrigo Duterte ng listahan ng mga pulitikong may kaugnayan sa droga sa kanyang lalawigan.
Ayon sa mga ulat, inilahad ito ni Mangudadatu, na miyembro ng Liberal Party, sa kanyang oath-taking nitong Biyernes sa bayan ng Buluan. Ngunit tumanggi naman si Mangudadatu na pangalanan ang mga pinagbibintangan niya sa kanyang listahan.
Hindi naman sinabi ni Mangudadatu kung paano niya papatunayan ang kanyang mga bintang o kung kasama ba sa talaan ang mga kalaban nito sa pulitiko, partikular ang angkan ng Ampatuan, na kasalukuyang may mga posisyon sa Maguindanao.
Isa ang Maguindanao sa sinasabing pinagmumulan ng ilegal na droga sa Mindanao, partikular ang shabu, at malaki ang hinala na may laboratoryo doon.
Hindi rin sinabi ni Mangudadatu kung paano niya naibigay kay Duterte ang listahan. Marami sa mga campaigners ni Roxas ang ngayon ay bumabalimbing na at lumipat na sa kampo ni Duterte. Naunang nagbanta si Duterte sa mga drug lords na lilipulin sila kung hindi titigil sa pagkakalat ng droga. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Share Our News