
ISABELA (Mindanao Examiner / Jan. 3, 2013) – Halos magkahiwalay-hiwalay na sa katawan ang ulo at braso ng isang 69-anyos na lola na walang awang pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang magsasakang kapit-bahay na pinaniniwalaang sinapian umano ng masamang espiritu sa Barangay San Mariano Norte sa bayan ng San Guillermo, ayon sa pulisya.
Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Marcelina Paulias habang ang suspek naman ay si Rey Bautista. Sinabi ng pulisya na pinuntahan ng suspek ang biktima sa mismong tahanan nito at doon ay walang habas na pinagtataga ito sa ang ulo, mukha at katawan.
Matapos ang pananaga ay mabilis naman tumakas ang suspek na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya upang pananagutin sa krimen ginawa.
Dagdag pa ng pulisya na ang suspek di umano ay sinapian ng masamang espiritu kaya nagawa ang karumaldumal na krimen.(Francis Soriano)