
Isang habal-habal ang bumabaybay sa kahabaan ng highway sa bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay province. (Mindanao Examiner Photo)
ZAMBOANGA SIBUGAY – Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang 50-anyos na ginang upang humingi ng saklolo matapos na ito’y maholdap ng tatlong armadong kalalakihan sa bayan ng Ipil sa kalapit lalawigan ng Zamboanga Sibugay.
Sinabi ni Lilita Saria na kasama umano nito ang 89-anyos na ama na si Ticucan Sumage sakay ng tricycle ng sila’y harangin nitong gabi ng Pebrero 2 ng tatlong armadong lalaki sa Barangay Tenan at nilimas ang lahat ng kanilang salapi na halagang P4,000.
Maging ang pagaari nitong cell phone at kuwintas na pilak at identification cards ng SSS at Commission on Elections ay tinangay rin.
Galing ang mag-ama sa sementeryo at pauwi na sana ng maganap ang holdapan. Hindi naman agad mabatid kung ang driver ng tricycle ay tinangayan rin ng salapi, ngunit iniimbestigahan ito ng pulisya.
Hindi umano pinakinggan ng mga armado ang pagsusumamo ng matandang ama ni Saria at mistulang hayok ang mga holdapers habang isinasagawa ang krimen.Talamak ang nakawan at holdapan sa bayan ng Ipil at ilang beses na rin itong inirereklamo ng mga residente doon.
Kulang rin sa mga barangay tanod ang nasabing lugar na minsan ng nilusob ng Abu Sayyaf at pumatay ng maraming katao bago sinunog ang sentro nito. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and https://mindanaoexaminer.com/
Share The News
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and https://mindanaoexaminer.com/
Share The News