DAVAO CITY – Isang masaker ang gumimbal sa isang sitio sa Davao City matapos na mapatay ang mag-asawang magsasaka at kanilang 12-anyos na anak kaninang madaling araw sa labas mismo ng kanilang kubo.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Percival Idar at asawang si Carlita Toleron, gayun rin ang anak na si John. Natagpuan ang kanilang mga bangkay na tadtad ng taga at halos magkakalapit sa isa’t-isa sa kanilang bahay sa Barangay Baracatan sa Toril District.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na dalawang kapatid na lalaki ni Carlita ang pangunahing suspek sa brutal na pagpatay sa mga biktima. Posibleng may kinalaman sa lupain ang motibo sa masaker.
Pinaghinalaan diumano ng magkapatid na Romulo at Nilo Toleron na naibenta ni Carlita ang kanilang lupa at hindi nahatian o nabigyan ng parte ang dalawa na siyang ikinagalit ng mga ito.
Pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek na sinasabing lumayas na sa naturang lugar. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper