ZAMBOANGA DEL NORTE – Dalawang teenager ang sugatan matapos na magsaksakan sa loob ng paaralan sa bayan ng Sibuco sa Zamboanga del Norte province sa western Mindanao.
Nabatid na humingi ng saklolo sa pulisya ang teacher na si Rosalina Tutuan dahil sa naturang insidente sa Sibuco National High School. Napag-alaman na dinuro o na-bully ng grupo ng magkapatid na Albasir, 15, at Amman Tutuan ang mag-utol na sina Aldrin Casipong, 17, at Peter Casipong, at ito ang pinagmulan ng gulo.
Sinapak umano ni Albasir si Peter hanggang sa mag-suntukan ang dalawang grupo ng magkapatid. Nasaksak umano ni Aldrin si Amman at ang utol nito gamit ang isang gunting sa pagtatanggol sa kanyang sarili at sa kapatid.
Nasa pagamutan pa rin kahapon ang Tutuan brothers at posibleng dalhin sa Zamboanga City si Amman dahil sa seryosong lagay nito. Si Amman ay outsider ng paaralan, ayon sa pulisya.
Agad rin sumuko si Aldrin at maging ang gunting na ginamit nito ay nabawi rin ng pulisya, ngunit hindi pa mabatid kung magsasampa ba ng kaso ang magkapatid laban sa kanya o kung ito ay maaayos lamang. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News