NORTH COTABATO – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang magkapatid na magsasaka matapos na pagbabarilin sila ng kanilang mismong bayaw, na sinuntok ng una dahil sa dating alitan sa krimeng naganap sa Sitio Quarry, Barangay Malapag, Carmen, North Cotabato, linggo ng gabi.
Sa imbestigasiyon ni PO2 Barry Crist Sanchez, imbestigador ng Carmen PNP kinilala ang dalawang nasawi na sina Jerry Mijares Caw-it, 44-anyos at ang nakakatandang kapatid nito na si Alex Mijares Caw-it, 49-anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.
Batay sa ulat, nangyari ang pamamaril alas-7:00 ng gabi kungsaan pinasok sila ng suspek na si Joel Eseguerra Talandron, 35-anyos at bayaw ng mga biktima.
Bago ang pamamaril ay sinuntok umano ng magkapatid ang kanilang bayaw, kaya sa sobrang galit ng suspek pinasok nito ang bahay ng biktima at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistol.
Nagtamo ang mga biktima ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan na naging dahilan ng agaran nilang kamatayan.
Nakpiit naman ngayon sa kulungan ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasiyon. Rhoderick Beñez