DAVAO CITY – Nabasyo ng mga barangay tanod kaninang madaling araw ang dalawang magkalaguyo na nagsi-sex umano sa loob ng kanilang nakaparadang sasakyan sa Davao City.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagpapatrulya ang mga tanod ng makitang umuuga ang kotseng nakaparada sa Jade Street sa Barangay 9A sa San Pedro at ng lapitan ito at silipin ang loob gamit ang flashlight ay tumanbad ang dalawa na parehong walang saplot.
Hindi umano natunugan ng dalawa ang pagdating ng mga tanod dahil malamang ay nasa sukdulan na ang mga ito. Nagulat na lamang sila ng maaninag ang liwanag mula sa flashlight at doon ay nataranta na silang magbihis ng mga damit.
Dinala naman ang dalawa sa presinto dahil sa nasabing eskandalo. Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na parehong may pamilya ang dalawa. Itinago naman ng pulisya ang mga pangalan nito ngunit ang lalaki ay may edad na 39 at ang kabit naman nito ay 33.
Hindi naman agad mabatid kung nalaman na ba ng kanilang mga asawa ang naturang eskandalo. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaperÂ