KIDAPAWAN CITY – Muling binigyang-diin ng North Cotabato Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO ang kahalagahan ng Republic Act 10754 o Magna Carta for Persons with Disability o PWDs.
Ayon kay PSWDO Jocelyn Maceda, dapat aniyang bigyang pansin ang karapatan ng isang PWD lalo na pagdating sa diskwento ng mga ito. Sinabi nito na ang isang may kapansanan ay nararapat mabigyan ng 20% discount sa mga sumusunod: Bayad sa mga hotel at restaurants; admission fee sa mga sinehan, teatro at iba pa; diskwento rin sa bibilhing gamot sa mga botika; medikal at dental services; pamasahe sa domestic air at sea travel maging mga pampublikong sasakyan; at iba pang mga pribilehiyo na nakapaloob sa nasabing batas.
Maliban dito, sa ilalim ng National Council on Disability Affairs, nakapaloob naman ang Republic Act 7277 (An Act Providing For The Rehabilitation, Self-Development And Self-Reliance Of Disabled Person And Their Integration Into The Mainstream Of Society.)
Ang Republic Act 7277 ang batayan na sinusuportahan ng estado ang bawat may kapansanan sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga social barriers na posibleng makakaapekto sa emosyonal at mental na aspeto ng isang may kapansanan. Noon nakaraang linggo lamang ay ipinagdiwang rin sa buong bansa ang National Disability Prevention and Rehabilitation Week. May tema “Lokal na Pamahalaan: Kaakibat sa Pagtupad ng Karapatan ng mga taong may Kapansanan.” (Drema Quitayen Bravo)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates