
COTABATO CITY – Isa umanong witness sa Maguindanao massacre na nakatakdang magbigay ng kanyang testimonya sa korte sa Maynila ang binaril sa bayan ng Shariff Aguak – ang lugar ng Ampatuan clan na siyang itinuturong nasa likuran ng brutal na krimen limang taon na ang nakalipas.
Sugatan si Butch Saudagal at patay naman ang kaibigan nitong si Dennis Sakal matapos silang tambangan sa sentro ng Shariff Aguak habang nakasakay sila sa motorsiklo.
Hindi pa mabatid kung sino ang nasa likod ng pagpatay o kung sino ang nagpatira sa kay Saudagal, ngunit ayon sa mga ulat ay 6 katao ang sabit sa krimen. Niratrat umano ng M16 automatic rifle si Saudagal at Sakal.
Naging palaisipan rin kung bakit at papaanong nakatakas ang mga salarin gayun ang daming checkpoint sa nasabing bayan. Hindi pa malinaw kung bakit nakagala ang 6 salarin habang bitbit ang kanilang M16 rifle.
Ang nasabing bayan ay lugar ng Ampatuan clan na akusado sa massacre ng 58 katao, kabilang ang 30 mamamahayag, noon November 23, 2009. Kabilang sa mga nasasakdal ay sina dating Magundanao Governor Andal Ampatuan, Sr. at mga anak na sina dating Maguindanao Mayor Andal Ampatuan, Jr. , dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan. Ang mga ito ay nakapiit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at kabilang sa 197 akusado sa kaso. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net