COTABATO CITY – Timbog si Vice Mayor Abdulwahab Sabal ng bayan ng Talitay sa Maguindanao matapos itong dakpin ng pulisya sa Cotabato airport sa bayan ng Awang na katabi lamang ng kampo ng militar.
Kapapanaog lamang umano ni Sabal mula sa isang commercial plane ng ito’y arestuhin kasama ang apat na iba pa kamalawa ng hapon. Pinangunahan ng Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) ng pulisya ang pagdakip sa pulitiko sa bias na rin ng warrants of arrest sa kasong pagpatay at ilegal na droga diumano.
Kasama si Sabal sa mga pulitikong pinangalanan at inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na diumano’y sabit sa droga. Hindi naman naglabas ng pahayag ang AIDG sa pagkakadakip sa grupo ni Sabal. Nauna nang itinanggi ni Sabal na may koneksyon ito sa ilegal na droga.
Ang Maguindanao ay kabilang sa 5 lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. Nabatid na marami pang mga pulitiko diumano ang target ng AIDG sa kautusan na rin ng liderato ng pulisya at ni Duterte. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper