Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Malaysia alarmado sa Abu Sayyaf, BIFF at IS alliance

Malaysia alarmado sa Abu Sayyaf, BIFF at IS alliance

Editor September 22, 2014
malaysia-flag1

ZAMBOANGA CITY – Alarmado ngayon ang Malaysia sa grupong Abu Sayyaf matapos itong manumpa sa IS (Islamic State) na nakikibaka sa Iraq at Syria upang maitatag ang isang Islamic caliphate doon at sa ibang bahagi ng mundo.

Naghigpit na ng siguridad ang Kuala Lumpur sa pangambang magkaroon ng alyansa sa pagitan ng Abu Sayyaf at Kumpulan Mujahidin Malaysia at iba pang grupo na may simpatya sa IS, kabilang ang Jemaah Islamiya.

Ngunit matagal ng may alyansa ang Abu Sayyaf at Jemaah Islamiya, gayun rin ang Kumpulan Mujahidin Malaysia, at ang Abu Sayyaf rin ang kumukupkop sa mga miyembro nitong nagtatago sa Mindanao. Ngunit ang pangamba ng Malsysia ay baka magkaroon ng coordinated attacks ang mga ito sa naturang bansa.

Matatandaan noon nakaraang buwan lamang ay nanumpa si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon sa IS, gayun rin ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, sa Mindanao at inilagay pa sa YouTube ang video ng kanilang pledge of alliance kay Abu Bakr al-Baghdadi, ang pinuno ng IS.

Mahigpit na rin ang siguridad sa border ng Sabah upang matiyak na hindi makakapasok doon ang Abu Sayyaf na ilang beses ng lumusob sa mga resorts sa Semporna, Sandakan at Tawau upang mandukot ng mga dayuhan at Malaysian citizens.

Nitong Hunyo lamang ay nadakip ng Malaysian authorities sa Sandakan ang tatlo nitong nationals at isa sa kanila ay sinanay pa ng Abu Sayyaf.

Nabatid na sila’y na-recruit ng Jemaah Islamiya o IS para sa isang bombing mission sa India, ngunit nabasyo naman ng sila’y bumalik sa Sabah. Ang isa pa sa tatlo ay napag-alaman na miyembro ng Malaysian Navy.

Dedma pa rin ang militar sa balitang may mga recruitment ang IS sa Mindanao, ngunit ang sentro ng simpatya sa IS ay sa Marawi City sa Lanao del Sur, isa sa 5 lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Sulu students take DOST scholarship exam
Next: Davao electric cooperative plants 120 tree seedlings

Trending News

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 1

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 2

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 3

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs DMW-logo 4

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

May 20, 2025
PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025 TPB2 5

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.