
MANILA (Mindanao Examiner / Feb. 25, 013) – Binansagang land-grabber ng mga sultan mula sa Luzon ang bansang Malaysia dahil sa patuloy at ilegal nitong pagsakop sa island ng Sabah na katabi lamang ng Tawi-Tawi province sa katimugan ng Pilipinas.
Ito ang pahayag sa Mindanao Examiner ng Filipino Alliance for Integrity and Reforms Movement (FILMAR) na pinamumunuan nina Datu Abdulrauf Mama-O, ang chairman; Sultan Latip Pumbaya, chairman ng Royal House of the Sultanate of Lakandula of Luzon; ang Sultan Grand Imam of the Philippines, Sultan Amerudin Samporna, ng Sultanate of Luzon at Sultan Muhammad Amin Baab Torres, ng Royal Executive Board Union of Sultanates sa Cordilleras.
“In the layman’s language in Maranao, what happened to Sabah is considered as among the cases of kapanganyaya or land-grabbing, whereas the Sulu Sultanate and our Malaysian brothers are both followers of Islam which prohibits kapanganyaya or unjust annexation of lands,” ani ng FILMAR.
Pumanig sa Sultanate of Sulu and North Borneo ang FILMAR at ibinigay ng buong suporta nito sa grupong nasa Sabah. Nasa bayan ng Lahad Datu pa rin ang halos 600 mga miyembro ng Sultanate sa pangunguna ni Raja Muda Azzimudie Kiram, ang kapatid ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III na siyang kinikilalang lider ng Sultanate.
Halos isang buwan ng nasa Lahad Datu ang mga ito matapos nilang pasukin ang lugar mula Sulu province, ngunit agad naman silang pinalibutan ng Malaysian security forces dahil ilegal umano ang kanilang ginawa.
“The claim for ownership to Sabah that is now being resurrected by His Royal Highness Sultan Jamalul Kiram III and his brother Prince Raja Muda Agbimuddin of Sulu, who are heirs of the Sultan of Sulu, is tied to historical rights. It provides a reawakening of the long-standing, unresolved issue that we hope will draw serious consideration to parties (the claimants, the Philippine government, and Malaysian government) to negotiate a peaceful resolution to the standoff,” ani FILMAR.
“The new generation of the people of North Borneo, which is now called Sabah under Malaysian Federation, may have little knowledge about the truth behind the contested annexation of the Sabah territory to the Malaysian Federation in the 1960s that it was actually brought about by the erroneous mistakes of British North Borneo Company in turning over the territory to Malaysia,” dagdag pa nito.
Nitong Linggo ng gabi ay nagpadala ang pamahalaang Aquino ng isang Philippine Navy ship, ang BRP Tagbanua sa Lahad Datu upang himukin ang mga Sultanate members na bumalik sa bansa matapos ng ultimatum na ipinatupad ng Malaysia upang mapalayas ang mga ito.
“We sent the ship to Lahad Datu on a humanitarian mission. We are deeply concerned about the presence of five women and other civilians in the group, and we urge them to board the ship without delay and return home,” ani Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa pahayag nito sa Mindanao Examiner.
“As we have stated in countless occasions previously, we call on the entire group to go back to their homes and families, even at the same time we are addressing the core issues they have raised. Please do so for your own safety.”
Nagmatigas naman ang grupo ni Kiram na hindi aalis sa Lahad Datu ang mga ito dahil ang Sabah ay pagaari ng Sultanate of Sulu. (Mindanao Examiner)