
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Mar. 7, 2013) – Mananatiling bukas ang Malaysian Embassy sa Pilipinas sa kabila ng kaguluhang sa North Borneo na kung saan ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang grupo ni Raja Muda Agbimuddin na ipinadala ng Sultanate of Sulu.
“As the current security situation at the Embassy and Consulate General, as well as their immediate vicinity remains calm and is under control, both Diplomatic Missions will remain open unless the Ministry of Foreign Affairs notifies otherwise,” ayon sa Malaysia.
Mahigpit ang pagbabantay ng Malaysia sa mga rally at protesta na isinasagawa sa Maynila at iba pang bahagi ng bansa upang masugurong hindi malalagay sa panganib ang buhay ng nga Malaysians at ng Embassy officials sa Pilipinas.
Maging ang protesta sa harapan ng Malaysian Embassy sa Makati City kamakailan ay binantayan rin ng Ministry of Foreign Affairs, bagama’t wala naman umanong malaking epekto ito sa takbo ng Embassy.
“The demonstrators were believed to represent a small number of local interest groups to voice their views about the situation in Lahad Datu in Sabah, Malaysia. The demonstration ended without any untoward incident,” ayon sa Ministry of Foreign Affairs.
Nagpasalamat rin ito sa pamahalaang Aquino dahil sa proteksyon na ibinibigay ng bansa sa Malaysian Embassy. “The Ministry of Foreign Affairs of Malaysia expresses its utmost appreciation to the Government of the Republic of the Philippines, in particular the Philippine National Police, for providing the necessary security protection to the Malaysian Embassy in Manila and also to the Malaysian Consulate General in Davao City,” sabi pa ni Foreign Affairs Minister Dato Sri’ Anifah Aman.
Kahapon ay nag-deklara na si Sulu Sultan Jamalul Kiram ng isang unilateral truce sa North Borneo na kung saan ay 13 tagasunod nito ang diumano’y napatay sa assault ng Malaysian security forces sa bayan ng Lahad Datu. Ito ay matapos na umapela si UN Secretary-General Ban Ki-moon na matigil ang kaguluhang sa North Borneo at pag-usapan ang problema ng mapayapa.
Tahimik pa rin sa Mindanao, ngunit tutuk ang mga Muslim sa kaganapan sa North Borneo at sa Zamboanga City ay naglagay ng isang opisina si Gov. Mujiv Hataman, ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, ng kanyang tanggapan bilang pinuno ng Crisis Management Committee upang masiguradong ang kaligtasan ng mga Pinoy sa North Borneo. (Mindanao Examiner)