Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Malaysian ransom kapalit ng dinukot na parak
  • Featured

Malaysian ransom kapalit ng dinukot na parak

Desk Editor March 7, 2015

ZAMBOANGA CITY – Pinalaya ng Abu Sayyaf ang dinukot nitong Malaysian policeman kapalit ng malaking halaga ng ransom sa lalawigan ng Sulu.

Nabatid na nitong Marso 6 pa pinakawalan si Kons. Zakiah Aleip, 26, matapos na magkabayaran sa bayan ng Indanan na kilalang kuta ng Moro National Liberation Front. Nitong Marso 7 ay nakabalik na sa Sabah si Aleip kasama ang mga Malaysian agents na sumundo sa kanya sa Indanan gamit ang speedboat.

Dinukot si Aleip noon June 12 ng nakaraang taon matapos na magsagupaan ang Abu Sayyaf ang ang grupo nito na ikinamatay ng isang Malaysian policeman. Naunang humiling ang Abu Sayyaf ng 5 milyon ringgits (P68.3 milyon) ransom kapalit ng kalayaan ni Aleip.

Hindi pa matiyak kung magkanong ransom ang ibinayad ng Malaysia sa Abu Sayyaf, ngunit ayon sa ilang sources ng Mindanao Examiner regional newspaper ay tumulong umano sa negosasyon sina Mamih at Mandi Sangkulah, na parehong commander ng Moro National Liberation Front, at sila rin ang nasa likod ng paglaya noon ng mga Malaysian at Chinese nationals na dinukot ng Abu Sayyaf sa Sabah at dinala sa Sulu at Tawi-Tawi.

Nitong December ay pinalaya rin ng Abu Sayyaf si Malaysian fish breeder Chan Sai Chuin matapos ng 6 buwan pagkakabihag kapalit ang malaking halaga ng ransom sa grupo ng mga Sangkulah at sinundo rin ito ng mgfa Malaysian agents sa Indanan at saka dinala sa Sabah.

Agad naman sinakyan ng militar ang paglaya ni Aleip at pinalabas pa na dahil sa kanilang operasyon kontra Abu Sayyaf kung kaya’t natakot ang rebeldeng grupo at isinuka ang kanilang bihag.

Hawak pa ng Abu Sayyaf si Japanese treasure hunter Katayama Mamaito, 68, na dinukot sa Pangutaran Island sa Sulu noon July 2010. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: BIFF binakbakan na naman ng militar sa Maguindanao
Next: 3 ARMM Governors, Leaders Throw Support Behind Aquino Presidency

Related News

P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025
aboitiz1
  • Featured
  • National

Aboitiz Renewables protects critical water sources, plants trees

Desk Editor April 28, 2025
MAFARamadhan-Trade-Fair-Plus
  • Business
  • Featured
  • Mindanao Post

Marketplace that turned Bangsamoro dreamers into doers


Desk Editor April 21, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.