Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • Manny Pacquiao bagsak kay Timothy Bradley!
  • Uncategorized

Manny Pacquiao bagsak kay Timothy Bradley!

Editor June 10, 2012
Pac-1-copy


Ang kahabaan ng daan na ito na dati ay masikip sa traffic ay halos walang nagdaraan dahil sa marami ang nanood sa laban ni Manny Pacquiao at Timothy Bradley na kung saan ay natalo ang Pambangsang Kamao. (Mindanao Examiner Photo)

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / June 10, 2012) – Nabigla ang publiko sa malaking pagkatalo at kahihiyang dala nito matapos na makamit ni ‘Desert Storm’ Timothy Bradley ang korona sa laban nito kay Pinoy boxing champ Manny Pacquiao sa Las Vegas.

Todo naman ang dasal ni Mommy Dionisia, ang ina ni Pacquiao, at mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang mga rosaryo habang nagdarasal ng todo sa kanilang mansion sa General Santos City sa paniwalang malaki ang maitutulong nito sa laban ng Pambansang Kamao.

Ngunit hindi na umubra ang mga dasal at pagtawag nito sa ibat-ibang santo at napaiyak na lamang at himatayin ng malaman ang pagkatalo ng anak.

Dismayado rin ang lahat ng pamilya at kaanak ni Pacquiao na tila hindi nakatulong ang pagiging bible preacher nito sa kanyang laban.

Umani naman ng batikos ang desisyon mula sa maraming tagahanga ni Pacquiao na nanood sa wide screen sa gym ng General Santos. Gayun rin sa Cotabato at Davao na kung saan ay solido ang suporta ng publiko kay Pacquiao.

Halo naman ang opinyon ng mga Pinoy sa naging desisyon ng mga hurado sa 12-round championship fight na ginanap sa MGM Grand. Maging ang asawa ni Pacquiao na si Jinky ay halos hindi makapaniwala sa nasaksihan – shocked pa ito ng mapaling sa kanyang mukha ang camera sa arena.

“Matanda na si Manny at hindi nga niya napabagsak si Bradley,” ani Pete Santiago, tricycle driver sa Zamboanga na nanood ng laban sa isang tindahan.

Mistulang ‘ghost town’ ang maraming lugar sa Mindanao habang nagbabanatan sina Bradley at Pacquiao.

Sa Zamboanga City ay tutok na tutok naman ang maraming pamilya sa harapan ng kanilang telebisyon. At halos hindi magkanda-ugaga sa sigaw at palakpak sa tuwing makakapuntos si Pacquiao taban kay Timothy Bradley, ngunit naiiba ito ng lumabas na ang desisyon.

Kapuna-puna rin ang kahabaan ng Don Alfaro street na nagdudugtong sa ibat-ibang barangay sa Zamboanga City na dati-rati ay mabigat ang traffic ay halos mabibilang na lamang ang mga motorista.

Maging ang mga restoran at hotel ay nagpalabas rin ng live fight ng laban ni Pacquaio-Bradley, ngunit hindi naman gaanong napuno ang mga ito dahil na rin sa mahal na singil – P100 hanggang P150. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: 6 boat crewmen injured fighting blaze in Tawi-Tawi
Next: Gay rights activists console Pacman’s defeat to Bradley

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 1
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 2
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 3
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 4
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 5
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.