Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Manny Pacquiao binigyan ng hero’s welcome sa Mindanao

Manny Pacquiao binigyan ng hero’s welcome sa Mindanao

Editor December 14, 2012
Pacman-arrives-to-hero-27s-welcome-in-Sarangani

Makikita sa larawan na ipinasa sa Abante ng Sarangani Information Office si Rep. Manny Pacquiao sa kanyang pagdating kahapon. (Kuha  ni Jake Narte)
SARANGGANI (Mindanao Examienr / Dec. 14, 2012) – Isang hero’s welcome ang bumulaga kay Congressman Manny Pacquiao ng dumating ito Biyernes ng umaga sa lalawigan ng Saranggani na kung saan ay sinalubong siya ng napakaraming mga supporters.
Kasama sa mga sumalubong kay Pacquiao at sa asawa nitong si Jinkee ay si Gov. Migs Dominguez at iba pang mga opisyal ng lalawigan. Humarap rin sa press conference si Pacquiao na ngayon ay nahaharap naman sa isang 120-day mandatory suspension mula sa Nevada State Athletic Commission.
Matatandaang si Pacquiao ay pinatulog ni Mexican pride Juan Manuel Marquez sa ika-6 na round sa kanilang laban sa Las Vegas. 
Ayon sa promoter ni Pacquiao na si Bob Arum, ng Top Rank Promotions, ay kailangan sumailalim ang pound-for-pound king sa isang intensive brain tests sa Las Vegas upang masiguradong wala itong pinsala mula sa tinamong parusa kay Marquez.
Nakita sa buong mundo kung paano pinabagsak ni Marquez si Pacquiao at matagal bago ito nagising. Tinanong pa nito sa kanyang assistant trainer na si Buboy Fernandez kung tapos na ang laban.
Nagkaroon na rin ng inisyal na MRIO test si Pacquiao sa Cardinal Santos Hospital bago ito dumating sa Sarangani. 
Nakatakda si Pacquiao na umuwi sa kanilang mansion sa General Santos City na kung saan ay isasagawa nito ang kanyang ika-34 na birthday na inaasahang dadaluhan ng publiko at ng mga artista at pulitiko. (Mindanao Examiner)
fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Brigade commander sa Cagayan sinibak sa puwesto dahil sa NPA ambush
Next: Mindanao Examiner Tele-Radyo Dec. 14, 2012

Trending News

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 1
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 2
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 3
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 4
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 5
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.