
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Nov. 14, 2011) – Lingid sa kaalaman ng publiko at dahil na rin sa pagiging bias ng maraming media report pabor kay Pinoy boxing superstar Manny Pacquiao ay inulan diumano ng “booh” ang Pambansang kamao sa huling laban nito kay Mexican fighter Juan Manuel Marquez sa Las Vegas.
Ito’y nagsmimula matapos na magbigay ng desisyon ang 3 hurado sa naturang laban na sa huli ay ikinapanalo ni Pacquiao. Maging mga Pinoy fans ni Pacquiao ay una na rin nagduda sa desisyon at naniwalang si Marquez ang dapat na nagwagi dahil sa dami ng mga suntok na ibinato nito kay Pacman.
Sa ulat ng Boston Herald ay sinabi ni Ron Borges sa kanyang artikulo na halos mabingi ang buong arena sa Las Vegas dahil sa kasisigaw ng ‘booh…booh…booh’ kay Pacquaio at sa desisyon ng mga hurado.
Maging ang interview ni Max Kellerman, ng HBO, kay Pacquiao ay natabunan na rin ng malakas na ‘booh’ at hanggang sa pagtungo ng ‘pound-for-pound’ king sa kanyang dressing room ay sinundan pa ito ng sigawan.
“Initially the cheers were “Marquez! Marquez! Marquez!” but after the decision was announced Pacquiao and his corner men stood looking unsure of what to make of it as the crowd began to boo lustily. When one of Pacquiao’s aides lifted him onto his shoulders and paraded him around like a conquering hero, those boos increased until, as HBO’s Max Kellerman tried to interview him in the middle of the ring, they reached a fierce crescendo that drowned the WBO welterweight champion’s words,” wika pa ni Borges.
Mababasa ang artikulo ni Borges sa URL na ito: http://www.bostonherald.com/sports/other_sports/boxing/view/2011_1114decision_misses_marq/srvc=sports&position=also
“At one point, Kellerman stopped the interview as Pacquiao stood next to him with his head down, a prideful man with a sad look on his face as a wide cut that would take 28 stitches to close above his right eye leaked crimson. When Kellerman tried to resume, the boos grew louder, the anger of the crowd apparent the longer Pacquiao stayed around. When he finally left, he was booed all the way to the locker room, where he would remain for an inordinately long time before finally emerging to claim he had ‘won clearly.’ The only way to see the fight that way was with blood in your eye, which he had much of the night after a clash of heads,” dagdag pa nito sa kanyang isinulat.
Ngunit sa interview kay Pacquiao ay nanindigan naman ito na siya ang nanalo sa naturang laban. “It was close but it was very clear I won the fight,” ani Pacquiao. “It’s not that easy to fight Marquez.”
Maging si Marquez ay nabigla rin sa desisyon ng mga hurado. At Pinagiisipan na nito ang pagreretiro sa boxing matapos ng kanyang pagkatalo kay Pacquiao.
“I think I won this fight more clearly than the others,” wika pa ni Marquez. “I don’t know what happened. Honestly, I don’t know what I need to do to convince the judges I won…It is the result of this fight that makes me think of retirement. Everybody knows what (just) happened.”
Sa Zamboanga City ay dismayado rin ang maraming mga fans ni Pacquiao dahil hindi nito napatumba ang Mexican fighter sa kabila ng mga pahayag nito at ng kanyang coach na si Freddie Roach. Paniwala rin ng mga iba na so Marquez ang nagwagi sa laban.
“Hindi maganda ang laban ni Pacman ngayon kay Marquez. Parang mas maraming buntal sa mukha ang tinanggap ni Manny mula kay Marquez, pero okay na rin yun at si Pacman ang nanalo at wagi rin kami sa pustahan. Siyempre kahit ganoon ay kay Manny Pacquiao pa rin ako all the way,” ani tricycle driver Norman Santiago.
Ayon naman kay Benjie Cuartocruz ay malinaw ang nagging desisyon ng mga hurado sa laban at talagang si Pacquiao ang nagwagi. “Walang duda na si Pacquiao ang nanalo. Dalawang huwes ang nagbigay ng score, at yun isa ay table so mahirap dayain iyan dahil mga kilalang tao ang nagbigay ng puntos kay Manny. Talagang siya ang champion natin,” wika pa nito.
Ngunit kung si Jeng Fernandez naman ang tatanungin ay malinaw sa kanya na si Marquez ang dapat na magwagi at hindi si Pacquiao.
“Napanood naming ang laban at ang daming tama ni Pacquiao sa mukha. Magaling itong si Marquez at halos lahat ng bitaw ng suntok ay pasok kay Manny. Palagay ko nadaya,” sabi naman ni Fernandez, isang negosyante.
Maging ang tanyag na sports newscaster at analyst na si Ronnie Nathanielzs ay naniniwalang si Marquez ang nanalo sa laban sa interview sa kanya ng ABS-CBN at mapapanood sa URL na ito: http://www.abs-cbnnews.com/video/insights/11/14/11/nathanielsz-i-believe-pacquiao-lost-marquez
Ikinatuwa naman ng mga taga-General Santos City at Sarangani province ang pagkakawagi ni Pacquiao at tila kapistahan ang mood ng mga ito. Sa General Santos ay isang malaking telon ang inilagay sa gym at doon ay libreng nakapanood ang mga fans ni Pacquiao sa kanyang laban at hindi umano magkadaugaga ang mga ito sa kasisigaw at kapapalakpak sa tuwing nakakapuntos ang kanilang idolo, ayon sa isang kaibigan ng pambansang kamao doon.
Inaasahan na magkakaroon ng malaking welcome party sa General Santos sa pagbabalik ni Pacquiao doon sa kanyang pag-uwi sa Pinas. (Mindanao Examiner)