
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / June 8, 2014) – Nadakip ng pulisya ang isang magsasaka na umano’y nagtanggkang gahasain ang isang 15-anyos na estudyante sa bayan ng Dimataling sa Zamboanga del Sur province.
Sinabi ng pulisya na agad tumakas ang 40-anyons na si Victor Angca matapos na mabigo sa kanyang pagnanasa sa dalagita na si Celsa (hindi tunay na pangalan), ngunit nasakote rin ito matapos ng mahabang paghahanap sa kanya.
Maglalaba sana ang estudyante sa isang balon sa Barangay Sugbay Uno ng ito’y dambahin ni Victor, ngunit sinipa umano ni Celsa sa bayag ang lalaki kung kaya’t namilipit ito sa sakit at nakakuha ng pagkakataon ang dalagita na tumakas at humingi ng saklolo.
Agad naman tumulong ang mga kapit-bahay ng biktima at sa tulong ng lokal na pulisya ay nadakip si Victor at ngayon ay nakapiit na sa naturang bayan at nahaharap sa kasong isinampa ng pamilya ni Celsa. (Mindanao Examiner)