
Pangkaraniwang tanawin lamang ito sa Santa Cruz Market sa Zamboanga City na kung sana ang maraming pamamaraan sa paghahanda ng buko juice ay namamayagpag at dedma lamang ang City Health Office at pamahalaang lokal dito. (Mindanao Examiner Photo – Mindanao Examiner TV)
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Mar. 18, 2013) – Hindi pa rin naaksyunan ng City Health Office hanggang ngayon ang maruming pamamaraan ng paghahanda ng buko juice sa palengke sa Zamboanga City.
Namamayagpag pa rin ang naturang mga nagbebenta ng buko juice sa Santa Cruz Market sa mga tabi-tabi lamang ito ginagawa.
Walang gamit na guwantes o anumang proteksyon mula sa dumi ang mga naghahanda nito at maging ang mga lamesang pinagpapatungan nito ay napakadumi rin.
At sa kapaligiran ng kanilang puwesto ay pulos basura at mga pinagtapunan ng buko, ngunit sa kabila nito ay dedma rin ang market superintendent sa naturang kaganapan sa palengke.
Maraming sakit ang makukuha sa maruming pamamaraan ng paghahanda sa anumang inumin o pagkain at kabilang dito ang Hepatitis at iba pa. (Mindanao Examiner