KIDAPAWAN CITY – Posibleng onsehan sa droga ang nakikitang dahilan sa pagpaslang sa isang ‘masyador’ ng sabungan makaraang pagbabarilin ito ng isang armado sa Purok 2 sa Barangay Magsaysay dito.
Ayon kay Supt. Ramel Hojilla, ang hepe ng pulisya, nagpapataya ng Suertres o PCSO Small Town Lottery ang biktimang si Pepe Salandron Pandio, 46, sa isang tindahan dakong 2:28 ng hapon nitong Sabado ng barilin ng suspek ng apat na beses, gamit ang kalibre .45 na pistola.
Isinugod pa ang iktima sa isang ospital sa Kidapawan pero ideneklara na itong dead on arrival. Ito na ang pang-apat na insidente ng pamamaril sa lungsod sa loob ng isang linggo, tatlo dito may kaugnayan sa droga, ayon kay Hojilla. (Rhoderick Beñez)