CAGAYAN DEO ORO CITY – Napatay ngayon Sabado ng mga di-kilalang armado ang isang mayoralty candidate sa bayan ng Lantapan sa Bukidnon province.
Ayon sa pulisya, pinasok ng mga armado ang bahay ni Armando Ceballos sa Barangay Balila at saka ito niratrat. Tadtad ng bala ang katawan ni Ceballos na isang independent candidate at kontra ni Ernie Devibar, nge Bukidnon Paglaum Party.
Hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa asasinasyon , ngunit naganap ito bago ang halalan ngayon Lunes. Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa kaso at hindi pa masabi kung may kinalaman ito sa pulitiko o kagagawan ng mga rebelde sa lalawigan.
Nabawi sa bahay ni Ceballos ang maraming basyo ng M14 at M16 automatic rifles, ayon pa sa ulat ng pulisya.
Walang ibang nai-ulat na sugatan o nasawi sa atake. Hindi naman sinabi ng pulisya kung papaanong nakapasok sa bahay ni Ceballos ang mga salarin at kung ito ba ang nagiisa sa tahanan.
Walang inilabas na anumang pahayag ang mga awtoridad kung papaanong nakalusot ang mga armado sa higpit ng pagbabantay ng pulisya at militar sa lalawigan kontra mga armadong grupo. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper