
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / May 22, 2012) – Umaani ng batikos mula sa ibang-ibang mamamahayag ang ABS-CBN dahil sa paglalagay nito ng marker na “TV Patrol 25” sa lugar na kung saan ay pinaslang ang maraming mga media workers at reporters sa Maguindanao province.
Kalat na rin sa social media site tulad ng Facebook ang mga batikos mula sa mga mamamahayag. Binansagan pang ‘media epal’ ang naturang marker.
Ang marker ay simbolo umano ng pinakamalalaking balita na ABS-CBN sa bansa sa nakalipas na 25 taon, ngunit nagmistulang commercial naman ito ng dambuhalang network.
Natatakot naman ang ibang mga mamamahayag na sakyan rin ng ibang television networks ang naturang propaganda.
Kabilang sa mga nasawi sa masaker ng 57 katao, kabilang ang 32 mamamahayag, ngunit walang isa sa kanila ay mula sa ABS-CBN at tanging news crew lamang ng UNTV ang napasama sa karumal-dumal na krimen na ibinintang sa angkan ng mga Ampatuan halos tatlong taon na ang nakaraan. (Mindanao Examiner)