Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Media firms, binalasubas ng PCOO!
  • Featured
  • Mindanao Post

Media firms, binalasubas ng PCOO!

Desk Editor December 16, 2017

DAVAO CITY – Umaalma ang ilang media company sa Mindanao na umano’y hindi binayaran ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa mga “advertorial” o advertisement na mistulang lehitimong balita na ipinasa nito halos kalahating taon na.

Nabatid na bumili umano ng espasyo ang PCOO upang mailabas lamang ang mga balita ukol kay Sec. Martin Andanar, ang pinuno ng naturang tanggapan, dahil hindi naman ito inilalabas ng mga newspaper outlets sa bansa.

Ayon sa isang impormante na nagsumbong sa Mindanao Examiner regional newspaper, ay P1,000 bawat balita ang ibabayad ng PCOO sa mga pahayagan at may plano pa umanong bumuo si Andanar ng “media group” sa Mindanao, Visayas at Luzon na kinabibilangan diumano ng mga editors at publishers bilang “consultant” nito upang masiguradong labas lahat ang balita ukol sa kanya. Hindi umano bababa sa 6 na mga advertorial ang naipasa ng PCOO sa mga ito.

Sa alok ng PCOO na P8,000 bawat buwan sa mga consultant nito ay dapat umanong ilabas ang mga opinion piece at balita at larawan ni Andanar sa mga pahayagan. Bukod pa ito sa mga bayad sa bawat advertorial na ikakarga ng pahayagan. Hindi na rin tinanggap ng mga media executives ang naturang alok dahil sa pagigi ng balasubas ng PCOO na ginamit lamang ang mga ito upang isulong ang propaganda ni Andanar.

Sinabi pa ng impormante na bukod sa mga pahayagan sa Mindanao, ay may mga iba pang kinausap ang kinatawan ng PCOO sa mga editors at publishers sa Visayas at Luzon na hindi rin binayaran hanggang ngayon.

Noong Oktubre umano matapos na magreklamo ang mga pahayagan sa hindi pagbabayad ng PCOO ay humingi naman ng news clippings at official receipt ang tanggapan upang ma-proseso ang bayad, subali’t hindi rin umano ito natupad. Maging ang diumano’y consultant ni Andanar na siyang kumausap sa mga editors at publishers ay ilang ulit na rin napahiya sa mga ito at pulos pagpapaumanhin na lamang ang sinasambit dahil sa hindi pagaasikaso ng PCOO sa pagbabayad nito.

Hindi naman agad makunan ng pahayag ang PCOO o si Andanar ukol dito. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: HOT OFF THE PRESS: The Mindanao Examiner Regional Newspaper Dec. 18-24, 2017
Next: PCOO accused of not paying media propaganda

Related News

Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025
Dr-Kristian-PIA
  • Health
  • Mindanao Post

Bone Marrow Transplant Center to open in Davao by 2028

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.