
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Jan. 8, 2013) – Isang araw matapos na i-ban ng Western Mindanao Command ang mga manunulat sa coverage ng tradisyonal na New Year’s Call ng mga opisyal sa Zamboanbga City ay nakuha pang ipamudmod nito ngayon Martes sa mga media ang speech ng commander na si Gen. Rey Ardo.
Apat na pahina ang naturang speech na ipinamahagi sa ibat-ibang media outfit sa Zamboanga, ngunit lalo lamang itong nakadagdag sa sigalot na namamagitan ngayon sa dalawang grupo.
Lalong nainsulto ang media sa pamimigay ni Ardo ng kanyang speech dahil pinagbawalan nitong i-cover ng media ang nasabing okasyon ngunit pilit naman nitong isinusubo sa media ang dapat nilang iulat sa publiko.
Naunang binatikos ng media si Ardo dahil sa mula ng maupo ito nuong Oktubre bilang commander ay hindi pa humaharap sa media at wala rin inilalabas na anumang mga press releases ukol sa mga karahasan na nagaganap sa nasasakupan nito.
Ang New Year’s Call ay ang pagbibigay pugay ng mga ibat-ibang commander ng militar sa pamunuan ng Western Mindanao Command at ito ay nagsisilbing parang party na rin ng mga opisyal. (Mindanao Examiner)