ZAMBOANGA CITY – Dinakip ng pulisya ang isang 5-anyos na lalaki matapos na umano’y pagtangkaan ang isang menor-de-edad sa loob ng sementeryo sa Zaboanga City sa Mindanao.
Ayon sa pulisya, unang inalok ng diumano ng salapi ni Jose Carpio ang 13-anyos na bata kamakalawa ng umaga upang ipakita ang kanyang pribadong bahagi, ngunit sa takot ng biktima ay agad itong kumaripas ng takbo sa loob ng Santa Maria Cemetery. Subalit lalong nagimbal ang bata ng siya ay habulin ng tila hangol na si Carpio at nahawakan pero muling nakapiglas at saka nagsumbong sa kanyang pamilya. Agad naman dumulog sa pulisya ang bata at ang Kapatid nito at nagsumbong sa mga parak na agad naman nagsagawa ng opersyon. |
Nadakip si Carpio, ayon sa pulisya, at ngayon ay nasa piitan habang patuloy kahapon ang imbestigasyon. Hindi naman agad mabatid kung itutuloy ng pamilya ng bata ang pagsasampa ng kaso kay Carpio. Nabatid na may pamilya rin ang suspek, ngunit tikom naman ang bibig nito sa lahat ng alegasyon laban sa kanya. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper