Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Entertainment
  • Mga artista dumayo sa 625th founding anniversary ng Sulu
  • Entertainment
  • Featured
  • Mindanao Post
  • Tourism

Mga artista dumayo sa 625th founding anniversary ng Sulu

Chief Editor September 24, 2015

10931366_908559879179130_1732119600878918530_n 11260463_908560179179100_4140552720348311671_n

Sulu Government Photo
Sulu Government Photo

12002269_908559625845822_4667884258522287535_n 12011298_908558282512623_7498480649676788108_n 12032118_908558182512633_6759688487949880616_n 12032281_908559749179143_5542839295613441080_n 12033217_908559519179166_7441311683812752838_n 12039374_908558945845890_5381359033251713205_n

SULU – Dinagsa na libo-libong katao ang selebrasyon ng 625th founding anniversary ng lalawigan ng Sulu na kung saan ay inilunsad rin ang kauna-unahang Mangosteen Festival doon.

Bumaha ng mangosteen sa lalawigan na kung saan ay pingakaguluhan ito ng mga residente. Kilala ang Sulu sa kanilang masarap at matamis na durian at lanzones, gayun rin ang kapeng barako na hinahabol-habol ng maraming coffee lovers.

Dumalo rin sa katatapos lamang na selebrasyon  ang  mga kilalang artista na sina Philip Salvador, Jeric Raval, Jestoni Alarcon, Long Mejia at rapper Andrew E na kung saan ay nakahalubilo ang mga ito sa publiko.

Namangha naman ang naturang grupo ng mga artista sa kagandahan ng Sulu at ang maiinit na pagtanggap sa kanila ng mga tagaroon. Nasilayan rin ng mga ito ang kabaitan ng mga residente at ang makulay na kultura ng Sulu at ang masasarap na pagkain na natikman ng mga ito.

“Walang putok na puwedeng pumigil sa akin para bumalik dito, mahal ko kayo Sulu,” wika pa ni Philip Salvador.

Ito rin ang naging pahayag ng komendyanteng si Long Mejia. Sinabi naman ni Andrew E. na ikukuwento nito sa kanyang mga kaibigan at kapwa artista ang naging magandang karanasan sa Sulu.  “Definitely sasabihin namin sa kapwa naming artista ang magandang experience namin dito,” ani Andrew E.

Pinagkaguluhan ng mga residente ang mga artista at kanya-kanyang ‘selfie’ ang kuha ng litrato ng mga ito gamit ang kanilang smart phone.

Isinagawa ang kasiyahan sa bayan ng Maimbung na kung saan ay halos hindi magkanda-ugaga ang mga manonood sa palakpakan at kasayahang inilatag ni Governor Totoh Tan at Mayor Samier Tan ng naturang bayan.

Nagpasalamat naman si Governor Tan sa mga dumalo at nakisaya sa selebrasyon at nangako na lalong pagsisikapan ang pagpapaganda at pagpapaunlad sa Sulu.

“Napakadami ng dumalo sa founding anniversary at patunay lamang ito sa patuloy na pag-unlad ng Sulu sa tulong na rin ng mga mamamayan at mga civil society groups at organizations, business at iba pang sektor sa komunidad.”

“Pagsisikapan pa natin na mapalaganap ang kapayapaan at kasaganahan dito sa Sulu,” sabi pa ni Governor Tan at pinasalamatan rin nito ang mga kaibigang artista sa kanilang pagdalo sa selebrasyon at nabigyan ng malaking kasiyahan ang publiko. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Defector wants to return to North Korea – CNN News
Next: Deadly blast hits Yemen mosque during Eid prayers – Aljazeera

Related News

Christina-Frasco-Dot
  • National
  • Tourism

PH gov’t hits country’s ‘false ranking’ as least safe for travelers

Editor June 19, 2025
Basilan-Peace-Agreement
  • Mindanao Post

Peace agreement ends longstanding ‘rido’ in Basilan

Editor June 17, 2025
PhilHealth-logo
  • Mindanao Post

PhilHealth’s KonSulTa Program Reaches Zamboanga City Jail: Advancing Inclusive and Preventive Health Care

Editor June 17, 2025

Trending News

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 1
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 2
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions Back to School Media Event 6 (1) 3
  • Business

Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions

June 26, 2025
Ahead of the Curve: Moda Interni and Pedini Debut the Most Curved, Luxurious Kitchen in the Philippines Goldwin_and_Francesco_1 .jpeg 4
  • Business

Ahead of the Curve: Moda Interni and Pedini Debut the Most Curved, Luxurious Kitchen in the Philippines

June 26, 2025
New beginnings: Xiaomi Launches Xiaomi YU7, Xiaomi MIX Flip 2, Xiaomi Pad 7S Pro 12.5, and various AIoT Devices in Beijing MixFlip2-June26-KV1 5
  • Business

New beginnings: Xiaomi Launches Xiaomi YU7, Xiaomi MIX Flip 2, Xiaomi Pad 7S Pro 12.5, and various AIoT Devices in Beijing

June 26, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.