MULING NAGPA-ALALA ANG Department of the Interior and Local Government sa mga opisyal ng barangay sa Zamboanga City na dapat isaalang-alang ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan at ang matuwid na pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin.
Sinabi ni DILG Zamboanga City Director Mohamad Taha Arakama na kabilang sa tungkulin ng mga opisyal ng barangay ay ang pagpapatupad ng mga iba’t-ibang ordinansya at ang pagbuo ng mga bagong batas para sa kapakanan ng publiko o mamamayan.

Kabilang dito ang public safety, peace and order at health, gayun rin ang ecological balance para sa isang mapayapang komunidad.
“The barangay officials must enforce the laws and ordinances to see to it that the people are comfortable and secured. We believe that the barangay officials have to be reminded of their duties and functions. We have to level up their capacity to educate them and the people on various programs like solid waste management, among others and they should engage the people, their constituents so they are empowered as well,” ani Arakama.
Ito rin ang paulit-ulit na paalala ni Mayor Beng Climaco, partikular sa mga barangay na kung saan ay maraming reklamo laban sa kanilang mga opisyal.
Marami umanong mga opisyal ang tamad at bihirang makita sa kalye o tumulong man lamang sa mga programa ng pamahalaan. Maraming barangay rin ang marurumi at tambak ang mga basura dahil sa kung saan-saan lamang ito itinatapon ng mga residente.
Sinabi ni Climaco na kailangan ang disiplina sa bawa’t isa kung nais na maging maginhawa ang kanilang barangay. Dapat umanong makipagtulungan ang mga residente sa kanilang barangay at pamahalaan para sa isang masaganang komunidad. (Zamboanga Post)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates