
DAVAO CITY – Umaapela ngayon ng hustisya ang mga biktima ng pagsabog sa lalawigan ng Sulu at kalituhan ang bumabalot sa kanilang pagiisip dahil sila ang biktima ngunit sa suspek umano nakatutok ang ilang mga human rights groups.
Walong mga biktima ng atake sa convoy ni Sulu Gov. Sakur Tan nuong 2009 sa bayan ng Patikul ang lumutang at naglabas ng kanilang hinaing ukol sa hindi makatwirang pagtatanggol ng mga human rights groups kay Temogen Tulawie, alias ‘Cocoy,’ na pangunahing suspek sa pagsabog.
Sa pahayag na inilabas sa Zamboanga Today na mababasa sa http://www.zamboangatoday.ph/index.php/news/13-top-stories/8731-sulu-bomb-victims-voice-confusion-over-human-rights-group-pronouncements-to-media.html ay sinabi umano nina Hadzmi Ali, Sali Omar, Hamig Igasan, Bennajat Jailani, Ruben Muallam, Khalid Majid, Abdurajan Julambri at Indanan Arajil ay sinabi ng mga ito na sila ang argabyado dahil biktima sila ng karahasan.
“Kami po bilang mga biktima ay mga ordinaryong mamayan lang ng Sulu na nagtratrabaho lang ng mangyari ang pagsabog sa kapitolyo ng Sulu. Kami po ay walang alam sa anumang dahilan sa pagdamay at tangkang pagpatay sa amin sa pagsabog. Kami po ay tao din na may karapatan na mabigyan ng hustisya, lalo po na kami ay biktima, ganito ba ang human rights?”
“Mas maniwala (pa) sa isang nasasakdal na may matibay na ebidensiya laban sa kanya, kaysa sa amin na mas nakararami na biktima? Kami ba ay walang karapatan? Kami po ay nalilito kung ano ba talaga ang ibig ng human rights base sa mga pahayag at aksyon ng mga grupo na nagsasabi na sila ito. Hindi ba dapat kapakanan ng biktima at hustisya ang ipinaglalaban ninyo? Kami po ang biktima dito?,” tanong pa ng mga biktima.
Si Tulawie ay nadakip nitong Enero lamang ng pinasanib na puwersa ng militar at pulisya sa kanyang hideout sa Davao City matapos ng halos dalawang taon pagtatago sa batas.
Ayon sa pulisya ay isinabit umano ng dalawang nadakip na Abu Sayyaf bombers si Tulawie sa naturang pagsabog, ngunit mariing itinanggi naman ito ng aktibista at dating pulitiko sa Sulu.
“As the injured party in this criminal case, we would like to think that people and groups that advocate human rights are sympathetic and supportive of our plight in seeking justice for ourselves and for our families,” ayon pa sa mga biktima.
Bukod sa kanila ay sugatan rin sa atake si Tan at ilang alkalde ng Sulu na kasama sa naturang covoy. Isang nakaparadang motorsiklo na tinaniman ng bomba ang sumambulat sa kalsada habang dumaraan ang grupo ni Tan.
Hindi naman mabatid kung bakit si Tulawie umano ang ipinagtatanggol ng ilang mga human rights groups, samantalang matagal na umanong humihingi ng hustisya ang mga nasabugan, ayon pa sa pahayag ng mga biktima.
Nanindigan naman ang korte sa Zamboanga City sa kasong isinampa nito laban kay Tulawie at sinabi ni Prosecutor Ricardo Cabaron ay may sapat na ebidensya kontra sa akusado. Maging si Cabaron ay mabilis na sinisi ng mga human rights groups dahil sa pagsasampa ng kaso kay Tulawie.
Hawak na ng korte sa Sulu ang kaso ni Tulawie dahil sa “Multiple Frustrated Murder and Attempted Murder.” Nagpupumilit naman si Tulawie na sa Davao City dinggin ang kaso bilang seguridad nito, at doon rin nakabase ang ilang mga human rights groups na nagtatanggol sa kanya.
Umapela naman si Tan sa Korte Suprema at sa halip ay sa Maynila na lamang litisin ang kaso upang pawiin ang pangamba ni Tulawie sa kanyang buhay. Ipinaubaya na noon pa ni Tan sa korte ang kaso laban kay Tulawie.
Sinabi naman ng ilang mga biktima na ginagamit lamang umano ni Tulawie ang mga human rights groups upang protektahan ang sarili sa mga akusasyon laban sa kanya.
“It would be easy to make this case political in nature, given the involvement of the Governor of Sulu as one of the complainants, but the fact remains that a crime has been committed, families were affected, many were injured, an investigation was conducted, evidence was gathered and presented, witnesses identified the suspect, case was filed in court, merits of the case was upheld, lawful warrants were issued.”
“It is clear that we, the complainants, abide and followed the rule of law, then what and where is the Human rights violation there? Case was filed against the accused not because of his so called ‘human rights defender’ status, but there is evidence, therefore, there is probable cause that he committed a criminal act, this is clear and for no other reason. We would like to think that the wisdom and proper discernment of accused and its human rights concept are properly in place,” ayon pa sa ulat ng Zamboanga Today sa naging pahayag ng mga biktima.
Umapela ang mga ito sa mga human rights groups na maging patas sa kanilang gawain.
“(These human rights groups should) not to jump into conclusions and (should) exercise objectivity in this case. it would be prudent for, not only the Human rights supporters of the accused, but to all concerned and everyone following this case to check, verify and look into the history of facts and activities concerning individuals in relation to this case, so that support and effort of groups and individuals would not be misplaced and wasted. A good tree is judge by the fruit that it bears,” wika pa ng mga ito.
“What is good will always be good, what is bad will always be bad, this holds true no matter what, and we would like to think that the premise of human rights that we adhere to in our society carries the same rule. We therefore expect that these groups of supporters will balance their biases and put into order their perspective with regards to this case,” dagdag pa ng grupo.
Maging kay Commission on Human Rights chairwoman Loretta Ann Rosales ay umapela rin ang mga biktima at sinabing dapat imbestigahan si Tulawie upang mabatid ang katotohanan.
Bukod sa tangka sa buhay ni Tan sa Sulu ay pinasabugan rin ng isang suicide bomber ang Zamboanga City International Airport nuong Agosto 2010 habang palabas naman sa arrival area ang pilantropo at relihiyosong pulitiko kasama ang kanyang pamilya at bahagya rin itong nasugatan. (May ulat mula sa Zamboanga Today)