Si Sulu Gov. Totoh Tan habang kausap ang mga biktima ng sunog sa Barangay Asturias sa bayan ng Jolo. (Kuha ni Franzie Sali)
SULU – Namahagi ng tulong si Sulu Gov. Totoh Tan sa mga biktima ng malaking sunog sa bayan ng Jolo nitong lalawigan.
Maraming pamilya ang nawalan ng bahay matapos na lamunin ng malaking apoy ang kanilang lugar sa Barangay Asturias kamakailan lamang na kung saan ay isang bata ang nasawi.
Agad rin pinuntahan ni Gov. Tan ang pamilya ng biktima at nag-abot ng tulong-pinansyal sa mga magulang ng bata bilang suporta sa kanilang pangangailangan.
Maging ang mga ibang biktima ng trahedya ay kinausap at binigyan rin ng kaukulang tulong ni Gov. Tan at nagsagawa rin ito ng inspeksyon sa lugar ng mga nasunugan.
Pinagiingat naman ni Gov. Tan ang mga mamamayan sa kanilang mga bahay upang maging ligtas sa sunog o anumang sakuna.
Nagpasalamat naman ang mga biktima sa sunog sa mabilis na pagtugon ni Gov. Tan sa kanila at sa tulong na ipinamahagi nito. (Franzie Sali)