SISIBAKIN NA SA serbisyo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang libo-libong mga empleyado ng nakaraang administrasyon ni Governor Mujiv Hataman.
Hindi naman agad mabatid kung bakit kailangan tanggalin sa serbisyo ang mga empleyado gayun matagal na silang nagta-trabaho ng maayos sa nakaraang administrasyon ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
May hinala ang marami na nais ipasok ng BARMM sa trabaho ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil ang Chief Minister ngayon ay si Murad Ebrahim, ang lider ng dating rebeldeng grupo. Hawak rin ng mga lider ng MILF ang ibat-ibang matataas na posisyon ngayon sa BARMM.

Nakatakdang magsimula ito sa susunod na buwan at tinatayang daan-daang empleyado ang unang matatanggal sa trabaho.
Mahigit sa 6,000 ang sinasabing mawawalan ng trabaho at ang tanging maiwan lamang ay yun mga nasa sektor ng kalusugan, edukasyon at social services.
Kinumpirma rin ni BARMM Attorney General Sha Elijah Alba ang nasabing “phasing out” ng mga empleyado bago matapos ang taon. “Ang first batch, ang last day of service nila would be October 31st; the second batch is November 30th, and the third and last batch is on December 31st,”ani Alba.
Sinabi nito na babayaran ng Department of Budget and Management ang separation pay ng mga empleyado basta kumpleto ang kanilang mga requirements.
Ito ay nakasaad rin sa Article XVI, Section 10 ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na kung saan ay sinasabing lahat ng “affected personnel who opt to retire or be separated shall be entitled to any of the following applicable incentives: 100% of the monthly basic salary for every year of government service computed starting from the first year for those who have rendered 1 year to less than 5 years of service; 150% of the actual monthly salary for every year of government service computed starting from the first year for those who have rendered 5 years of service, but less than 10 years; or two months of actual monthly salary for every year of government service computed starting from the first year for those who have rendered 10 years or more of service.”
“Affected personnel who are retired or are separated from the service shall not be re-employed in any agency of the Bangsamoro Government of the National government, including government-owned or controlled corporations for a period of five years. The retired or separated personnel who are re-employed during the prohibited period shall refund, on a pro-rated basis, the separation incentives they received under this Section.”
Matapos ng lahat ay muling tatanggap ang BARMM ng mga bagong empleyado para sa mga ibat-ibang plantilla position. (Mindanao Examiner. May karagdagang ulat mula sa PIA at BARMM.)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates