Ilan lamang ito sa mga poste ng kuryente na ngayon ay namimiligrong bumagsaka sa Zamboanga City. (Mindanao Examiner Photo)
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / May 31, 2013) – Mistulang “Leaning Tower of Pisa” ang apat na mga poste ng kuryente sa Zamboanga City sa Mindanao dahil tila mga kable na lamang ng telepono ang humahawak sa mga ito upang hindi tuluyang bumagsak.
Malaki ang panganib ng mga posteng ito sa kahabaan ng Don Alfaro Street sa Barangay Tetuan na pagaari ng Zamboanga City Electric Cooperative kung tuluyang bumigay dahil sa matinding pressure at epekto ng gravity sa naturang kahoy.
Dedma lamang ang nasabing Zamboanga City Electric Cooperative sa nasabing peligro dahil wala naman umaasikaso sa mga ito. Malaking perwisyo sa mga motorist at sa mga electric consumers kung sakaling bumagsak ang mga ito.
Hindi naman agad mabatid kung bakit hindi inaasikaso ng Zamboanga City Electric Cooperative ang pagaayos ng mga poste gayun halos araw-araw naman itong nadadaanan ng kanilang mga line men.
Problema rin sa Zamboanga ang sala-salabat na mga kawad ng kuryente, telepono at cable television na mistulang mga sapot na nagkabuhol-buhol. (Mindanao Examiner)