
MANILA (Mindanao Examiner / Dec. 1, 2012) – Binatikos ng Migrante-Middle East si Senate President Juan Enrile matapos nitong sabihin na hindi siya pabor sa Reproductive Health bill sa kadahilanang ang overseas Filipino workers ang siyang pinakamalaking export ng bansa.
Matatandaang sinabi ni Enrile sa isang news conference na: “Ang pinakamalaking export natin is OFW. Export iyan eh, kaya ako kontra ako sa RH dahil diyan. Ang magpapalago ng bansa natin ay iyong excess population natin na sinanay natin na tumatanggap ng mga trabaho abroad that others don’t want to handle. We have to accept that. Korea started that way.”
Sinabi naman ni John Leonard Monterona, ang regional coordinator ng Migrante, na tila hindi alam ni Enrile ang tunay na dahilan kung bakit napipilitan ang mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa.
“To say that the Philippine economy will improve mainly due to intensified government labor export program and abundant human resources for export is not true at all just because it’s keeping the economy afloat. More so, Sen. Enrile failed to see that most OFWs who are engaged in a contractual employment returning to the country empty only to be reintegrated to the jobless population,” ani Monterona sa pahayag nito sa Mindanao Examiner.