
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Mar. 31, 2012) – Nagpahiwatig na ng pangamba ang Moro Islamic Liberation Front na posibleng mabigo ang pamahalaan Aquino at ang rebeldeng grupo na magkaroon ng peace agreement sa Mindanao.
Ito ay matapos na sabihin ni Ghazali Jaafar, ang MILF vice chairman for political affairs, na mahabang panahon na ang iniukol ng rebeldeng grupo sa peace talks, ngunit mistulang wala itong paroroonan.
“We are very doubtful now whether we can sign a peace deal with government under this present administration,” wika pa ni Jaafar matapos ng isinagawang pulong ng MILF sa ibat-ibang lider ng rebeldeng grupo sa buong Mindanao.
“The assessment of the political officers was the recently concluded peace talks between the Government of the Philippines and the Moro Islamic Liberation Front in Malaysia was very disappointing. What the government peace panel headed by Marvic Leonen did in the last talks was never our immediate expectation which is the reason why we are very much disappointed,” dagdag pa nito.
Matagal ng nakikibaka ang MILF sa pagsusulong ng karapatan ng mga Muslim sa Mindanao, ngunit ilang beses na rin nagkaroon ng malaking labanan sa rehiyon sa tuwing bigo ang peace talks. Kung tuluyang mabibigo ang peace talks ng pamahalaang Aquino ay posibleng sumiklab muli ang labanan sa Mindanao.
Iginigiit ni Leonen na tanggapin ng MILF ang alok na awtonimiya ng pamahalaang Aquino, ngunit sub-state naman ang gusto ng rebeldeng grupo ng tulad sa Malaysia. Sinabi rin ni Leonen na posibleng magkaroon ng “stalemate” sa peace talks kung hindi sasangayon ang MILF sa gusto ng pamahalaan Aquino.
“Now the world can see clearly what was mere propaganda and the truthful stand of the government on the peace negotiations,” ani Jaafar.
Pahirapan na rin umano ang peace talks dahil sa pagpipilit ng pamahalaan sa kagustuhan nito. “As revolutionaries, peace negotiation is much harder of a task than fighting. Our business is fighting. The Bangsamoro people and our forebears had been fighting injustices and oppression for nearly five centuries now since the time of Spanish colonialism in defense of homeland, identity, freedom, and self-rule,” sabi pa ni Jaafar.
“There is really a problem now with the government policy. The MILF just can’t tell with certainty whether it is with the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process and or the government peace negotiating panel headed by Dean Leonen, or in other departments of the government,” dagdag pa nito. (Mindanao Examiner)