Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • MILF sabit sa bentahan ng armas!
  • Featured
  • Mindanao Post

MILF sabit sa bentahan ng armas!

Chief Editor February 10, 2018

COTABATO CITY – Sabit ang dalawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bentahan umano ng armas sa mga Indonesian jihadists matapos na masiwalat ang impormasyon sa kasong kinasasangkutan ng isang teroristang lumaban sa panig ng rebeldeng grupo sa Mindanao.

Ayon sa West Jakarta district court, binentahan ng mga armas ng dalawang rebeldeng MILF na nakilalang sina Marod at Dato ang teroristang si Suryadi Mas’ud noon 2015 upang gamitin sa terorismo sa Indonesia.

Nagtungo ang 45-anyos na si Suryadi sa General Santos City kasama ang asawang si Neneng Rita Anyar na nagsilbing “cover” upang hindi ito mapaghinalaan ng mga awtoridad. Sa bahay mismo ni Marod tumira si Suryadi habang hinihintay nito ang mga armas.

Lumaban si Suryadi sa militar kasama ang MILF mula 1996 hanggang 2000. Ito rin ang kasagsagan ng pagkupkop ng MILF sa mga dayuhang terorista na siyang nagsanay sa maraming mga rebelde sa Mindanao.

Nabatid na si Iwan Darmawan Muntho, alias Rois, na ngayon ay nasa death row sa Indonesia sa kasong terorismo, ang sinasabing nagpondo ng biyahe at pagbibili ng armas ni Suryadi sa mula MILF. Umabot sa $30,000 ang halaga ng mga armas – 17 automatic rifle at limang pistol – na nabili ni Suryadi mula sa mga rebelde.

Sabit rin si Suryadi sa pambobomba ng isang McDonald’s outlet sa Makassar, south Sulawesi noon 2002 at pagsasanay sa mga jihadists sa Aceh ng 2010 matapos na madakip sa Indonesia. Nahatulan ng West Jakarta district court si Suryadi na 10 taon dahil sa pagpasok ng mga armas sa Indonesia at terorismo.

Hindi naman mabatid kung may basbas ng MILF ang pagbebenta ng armas kay Suryadi. Tikom naman ang bibig ng mga lider ng MILF sa pagkakasabit ng mga rebelde sa bentahan ng armas sa Indonesia at pagkupkop nito sa mga teroristang nasa Mindanao. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Duterte to assert legality of drug war before International Criminal Court
Next: NUJP criticizes background check on journos covering cops  

Related News

Basilan-Peace-Agreement
  • Mindanao Post

Peace agreement ends longstanding ‘rido’ in Basilan

Editor June 17, 2025
PhilHealth-logo
  • Mindanao Post

PhilHealth’s KonSulTa Program Reaches Zamboanga City Jail: Advancing Inclusive and Preventive Health Care

Editor June 17, 2025
Misamis-Drug-Free
  • Mindanao Post

Misamis Oriental town receives Balangay Seal of Excellence

Editor June 16, 2025

Trending News

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 1
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 2
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 3
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 4
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 5
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.