Ang larawan ng ipinasa sa Mindanao Examiner ng organizers ng katatapos lamang na 4th Mindanao Human Rights Summit na idinaos sa lungsod ng Davao. Makikita rin sa larawan sina Evelyn Badol habang nagbibigay ng pahayag ukol sa pagmamalabis ng mga sundalo sa bayan ng Arakan sa North Cotabato province; Mamanwa leader Evelyn Badol Ginggin Analagan na nagsumbong sa panununog ng militar sa kanilang mga kabahayan sa bayan ng Kitcharao sa Agusan del Sur at mga delegado sa naturang summit.
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Dec. 5, 2011) – Halos iisa ang sigaw ng mga delegado sa 4th Mindanao Human Rights Summit – hustisya sa karahasan ng militar – na nagtapos sa lungsod ng Davao na kung saan ay daan-daan ang mga dumalo.
Kaliwa’t-kanan ang batikos at akusasyon na ibinato ng mga delegado mula sa ibat-ibang panig ng rehiyon sa militar na umano’y nasa likod ng maraming paglabag sa karapatan ng tao, harasment, pananakot, pagdukot at pagpatay sa mga natibo, aktibista, manggagawa at magsasaka, sibilyan at maging mga alagad ng simbahan.
Inirereklamo sa naturang summit ang matinding militarisasyon sa maraming mga lugar saMindanao dahil sa pananatili ng mga sundalo sa mga barangay hall, paaralan at iba pa.
Maging ang nagdadalang-tao na si Evelyn Badol ay nagsumbong sa summit sa ginawang pagdakip ng mga sundalo sa kanyang kapatid na si Noli Badol matapos itong pagbintangan miyembro ng rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Arakan sa North Cotabato. Kasamang dinakip doon si Celso Batoy na umano’y pinahirapan pa ng mga sundalo upang paaminin na mga rebelde sila.
Inireklamo rin ng natibong si Ginggin Analagan na tubong bayan ng Kitcharao sa Agusan del Sur ang ginawang panununog ng mga sundalo sa kanilang mga kabahayan doon matapos na maglunsad ng operasyon kontra NPA.
Isusulong naman ng human rights group na Barug Katungod Mindanao ang pagsasampa ng mga kaso laban sa militar dahil sa maraming paglabag nito sa batas.
Hindi naman agad makunan ng pahayag ang mga military unit sa ibat-ibang bahagi ngMindanao ukol sa mga bintang laban sa mga kawal nito. (Mindanao Examiner)
Kaliwa’t-kanan ang batikos at akusasyon na ibinato ng mga delegado mula sa ibat-ibang panig ng rehiyon sa militar na umano’y nasa likod ng maraming paglabag sa karapatan ng tao, harasment, pananakot, pagdukot at pagpatay sa mga natibo, aktibista, manggagawa at magsasaka, sibilyan at maging mga alagad ng simbahan.
Inirereklamo sa naturang summit ang matinding militarisasyon sa maraming mga lugar sa
Maging ang nagdadalang-tao na si Evelyn Badol ay nagsumbong sa summit sa ginawang pagdakip ng mga sundalo sa kanyang kapatid na si Noli Badol matapos itong pagbintangan miyembro ng rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Arakan sa North Cotabato. Kasamang dinakip doon si Celso Batoy na umano’y pinahirapan pa ng mga sundalo upang paaminin na mga rebelde sila.
Inireklamo rin ng natibong si Ginggin Analagan na tubong bayan ng Kitcharao sa Agusan del Sur ang ginawang panununog ng mga sundalo sa kanilang mga kabahayan doon matapos na maglunsad ng operasyon kontra NPA.
Isusulong naman ng human rights group na Barug Katungod Mindanao ang pagsasampa ng mga kaso laban sa militar dahil sa maraming paglabag nito sa batas.
Hindi naman agad makunan ng pahayag ang mga military unit sa ibat-ibang bahagi ng