DAVAO CITY – Mistulang sampal sa mukha ng militar at pulisya ang diumano’y “hero’s burial” sa napaslang na lider ng New People’s Army na si Leoncio Pitao alias Ka Parago sa Davao City.
Walang nagawa ang Eastern Mindanao Command at 10th Infantry Division, at ang Regional Police Command sa pasya ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na payagan ang mga komunista at supporters nito na doon ihimlay si Parago.
Napatay ng mga sundalo si Parago at ang kanyang medical aide kamakailan sa Paquibato District matapos itong matunton ng militar.
Ipinarada pa ng mga komunista ang bangkay ni Parago at naglipana ang mga banner at streamer sa Davao City na kung saan ay kaliwa’t-kanan rin ang tinanggap na mura at pangungutya ng militar mula sa NPA dahil sa pagkakapaslang sa kanilang lider.
Ipinagtanggol naman ni Duterte ang kanyang kapasyahan. Kaibigan ni Duterte si Parago at respeto lamang ang dapat ibigay sa yumaong lider ng NPA.
Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang mga pinuno at tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command at 10th Infantry Division. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News