
Nilagdaan mismo nina Zamboanga del Sur Gov. Antonio Cerilles at Raul Calumpang, ang officer-in-charge ng Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources ang nasabing kautusan matapos ng mahabang pagpupulong.
“Disaaproved na yun petisyon ng mga small scale miners at may order na tayo na itigil ang lahat ng illegal mining sa Balabag,” ani Calupmang sa panayam ng Mindanao Examiner.
Pawang mga miyembro ng Monter de Oro Small Scale Miners Association (MOSSMA) ang naghain ng petisyon. Ang MOSSMA rin ang tumutuligsa sa operasyon ng TVI Resource Development Inc. sa Balabag na kung saan ay may karapatan ito sa lugar.
Naunang naglabas sa Cerilles ng kautusan na ipatigil ang lahat ng illegal mining sa lugar, at gayun rin ang MGB, ngunit wala pa rin aksyon ang mga awtoridad dito. (Mindanao Examiner)