ILIGAN CITY – Patuloy na inaalam ngayon Lunes ng Department of Energy (DOE) ang malawakang blackout na naganap sa Mindanao matapos na mawalan ng kuryente ang malaking bahagi ng rehiyon.
Sinabi ni DOE Sec. Jericho Petilla na sa inisyal na ulat na nakalap nito ay “technical” umano sa linya ng kuryente ang sanhi ng malawakang blackout. “I thought this has something to do with security, but it’s more of a technical (glitch) and inaalam pa namin kung ano ang sanhi nito,” ani Petilla.
Sa Zamboanga City ay maraming beses naputulan ng kuryente at gayun sa Davao, Koronadal, General Santos, Iligan at iba pang lugar.
Tikom naman ang bibig ng mga opisyal ng National Grid Corporation of the Philippines sa naganap na blackout.
Binatikos naman ng husto ng Bagong Alyansang Makabayan sa Southern Mindanao (BAYAN-SMR) ang pamahalaang Aquino dahil sa pagpapabaya umano nito sa elektrisidad sa Mindanao, gayun sa naturang rehiyon kinukuha ng gobyerno ang malaking bahagi ng yaman ng bansa.
“The only thing rising today are the people’s queries as to why up till now, Davao and many other parts of Mindanao suffer from power problems, when Mindanao is known as an island full of energy sources,” ani Sheena Duazo, ang tagapagsalita ng BAYAN-SMR.
Nangangamba rin si Duazo na ang walang humpay na blackout sa Mindanao ay bahagi ng propaganda ng pamahalaan upang maisulong ang pribatisasyon ng Agus at Pulangi power station sa rehiyon.
“This power interruptions may become the justification to privatize the energy sector,” wika pa ni Duazo.
“If Aquino were sincere from the start in his wishes to provide enough power for the people of Mindanao, he would have undertaken the rehabilitation and upgrading of the current power plants in order to efficiently provide electricity.”
“For instance, the Agus-Pulangi power plant now only generates 570 MW of power today, roughly half of the 1,000 MW it used to supply back then. With this problem Agus-Pulangi further sinks with the steps leading to privatization of the said power plant, approved by Aquino,” pahayag pa ni Duazo sa Mindanao Examiner.
Nais ng BAYAN-SMR na bigyan tuon ng pamahalaang ang nasyonalisasyon ng power industry at hindi ibigay sa mga ganid na kapitalista na ang tanging hangad lamang umano ay kumita ng limpak-limpak na salapi sa paghihirap ng mga power consumers. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News