Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Mindanao niyanig ng lindol

Mindanao niyanig ng lindol

Editor August 27, 2012
Phivolcs-logo

PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Aug. 27, 2012) – Niyanig kanina ng lindol ang lalawigan ng Davao Oriental ngunit wala naman inulat na sugatan o nasirang mga gusali sa 3.3 magnitude na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Natunton ang sentro ng lindol sa bayan ng Cateel at tectonic ang sinasabing pinagmulan nito at naitala dakong alas 5.48 ng umaga.

Kamakalawa ng gabi lamang inuga rin ng malakas na lindol ang lalawigan ng Sarangani at naitala ito sa 6.6 magnitude sa Richter scale na siyang pamantayan sa lakas ng pagyanig na naganap dakong alas 11.05 ng gabi.

Ayon sa mga dalubhasa ay tectonic rin ang dahilan nito at naramdaman sa Davao City at naitala ang lakas nito sa Intensity 4; sa General Santos City, Intensity 3, at Koronadal City, at bayan ng Tupi at Polomolok sa South Cotabato na Intensity 2.

Maging sa Zamboanga City ay naramdaman rin ito.

Ang Pilipinas ay nasa tinatawag na “Pacific ring of fire” na kung saan ay nasa ilalim ng karagatan ng bansa ang napakaraming mga bulkan na isang dahil sa patuloy na pagyanig sa ibat-ibang bahagi ng Mindanao, Luzon at Visayas. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Boy Scouts, Atro Mining plant 200 tree seedlings in Zamboanga City
Next: Quakes jolt Mindanao!

Trending News

Manny Pacquiao Returns to Rewrite History – The Fight That Will Inspire a Nation Pacquiao 1
  • Sports

Manny Pacquiao Returns to Rewrite History – The Fight That Will Inspire a Nation

May 29, 2025
Optum Philippines celebrates first anniversary of Davao Hub and Davaoeño talent MAJ03649 2
  • Business

Optum Philippines celebrates first anniversary of Davao Hub and Davaoeño talent

May 29, 2025
PhilHealth Speeds Up Payments, releases over P592M to NKTI in less than 5 Months PhilHealth1 3
  • Health

PhilHealth Speeds Up Payments, releases over P592M to NKTI in less than 5 Months

May 29, 2025
BARMM brings medical missions to IDP shelters in Marawi Health-mission 4
  • Mindanao Post

BARMM brings medical missions to IDP shelters in Marawi

May 28, 2025
911 in Camiguin town logs over 500 calls since January Service-expansion 5
  • Mindanao Post

911 in Camiguin town logs over 500 calls since January

May 28, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.