Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Minerong problemado sa asawa, nagpatiwakal

Minerong problemado sa asawa, nagpatiwakal

Editor February 24, 2014
PNP-2-copy4

ZAMBOANGA SIBUGAY (Mindanao Examiner / Feb. 24, 2014) – Isang minero ang nagpatiwakal dahil sa umano’y problema nito sa kanyang dating asawa at kapwa trabahador sa bayan ng Malangas sa Zamboanga Sibugay province.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya ay nagbaril umano si Joel Macquiling, 39, sa kanyang bunganga sa loob ng kanilang bahay matapos na magpaalam sa kanyang 25-anyos na live-in partner.

Sinabi ng babae sa mga imbestigador na nagsumbong sa kanya si Joel – na isang coal miner – ukol sa problema nito sa unang asawa at mga kapwa minero sa naturang bayan at posibleng ito ang nagtulak sa biktima na magpatiwakal.

Palabas umano ng bahay si Joel ng isubo ang dulo ng kanyang .45-caliber pistol at saka ito kinalabit. Hindi naman makapaniwala ang babae sa nasaksihan at sinapit ng kinakasama.

Dinala pa umano sa pagamutan si Joel, ngunit patay na ito ng dumating doon. Hindi naman sinabi ng pulisya kung anong problema ang sukdulang bumagabag kay Joel at nakuha nitong kitilin ang sariling buhay. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: 3 killed in Basilan ambush
Next: 2 missing children found dead in seaweed farm in Zamboanga Sibugay

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 2

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 3

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 4

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 5

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.