
CAGAYAN (Mindanao Examiner / Dec. 13, 2012) – Pormal ng sinampahan ng kasong parricide ang isang 41-anyos na na mister matapos nitong mapatay ang sariling misis dahil sa selos sa Centro 13 sa bayan ng Aparri.
Kinilala ni Police Inspector Arturo Tan, deputy chief of police ng Aparri Municipal Police Station, ang suspek na si Mario Tugagao habang ang biktima naman ay si Elizabeth Tarampi, 37, na kapwa residente sa nabangit na lugar.
Ayon kay Tan ay selos diumano ang nagtulak sa suspek upang pataying ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pagsasksak sa biktima na sanhi ng agarang nitong kamatay.
Hindi naman sinabi ng pulisya kung sino ang pinagseselosan ng lalaki. (Francis Soriano)