
ZAMBOANGA CITY – Nagbago na ng style ang ilang rugby boys sa Zamboanga City sa kanilang paglilimos upang makapang-akit ng taong maaawa sa kanila at magbigay ng limos.
Ito’y matapos na mabuko ng Mindanao Examiner regional newspaper ang modus operandi ng dalawang paslit sa kanilang pamamalimos at pag gamit ng rugby sa sentro mismo ng lungsod. Isa sa mga ito ay nasa wheel chair pa habang namamalimos sa mga nagdaraan, ngunit sa loob naman ng kanyang kamiseta ay naroon ang isang plastic na puno ng rugby na pasimple nitong sinisingot.
Nagsisilbing side kick naman ang isang bata at siyang tumutulong sa pagtutulak ng wheel chair sa ibat-ibang lugar sa downtown area, ngunit may baon rin itong rugby. Kalimitan ay galing sa mga limos ang ipinambibili ng mga ito ng rugby mula sa mga matatandang nagbebenta nito ng illegal sa palengke na katabi lamang ng himpilan ng pulisya.
Talamak ang problema sa pag-abuso sa rugby ng mga street children na madalas ay siyang ginagamit ng kanilang mga magulang sa paglilimos. Hindi rin regular ang kampanya ng Department of Social Welfare and Development sa mga naglipanang rugby boys at street children sa Zamboanga. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News