
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Mar. 9, 2014) – Isang mamahaling Mitsubishi Montero na pagaari ng negosyante ang sinilaban ng 2 lalaking nakasakay sa motorsiklo habang nakaparada ito sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur province.
Nakaparada lamang ang sasakyan ni Julius Acosta, 39, sa harapan ng Alvin Bazaar sa Fajares Avenue ng dumating ang mga salarin at binato ng boteng naglalagablag ang Montero at saka mabilis na tumakas.
Hindi pa mabatid ang motibo sa atake, ngunit sinabi ng pulisya na si Acosta ay residente ng Barangay Dacanay sa bayan ng Siay sa kalapit na Zamboanga Sibugay province.
Ayon sa pulisya ay wala umanong lumutang na saksi upang magbigay ng pahayag sa naganap. Hindi rin nagbigay ng kanyang pahayag si Acosta ukol sa naganap. (Mindanao Examiner)