CEBU – Naputulan ng binti ang chief mate ng barko habang tumutugon ito sa tumaob na motorboat na may lulang 27 katao sa karagatan ng Cebu province sa kasagsagan ng masamang panahon sanhi ng bagyong Lando.
Nailigtas naman ngayon Sabado ng M/V Filipinas Dinagat – na galing pa ng Surigao province sa Mindanao – ang mga pasahero at ang sugatang si Rudy Payusan, 48, ng LCT Crescent.
Nabatid na tumaob ang motorboat na may pangalan M/B Mansan di-kalayuan sa Camotes Island nitong Biyernes ng gabi at masuwerteng naispatan naman ng M/V Dinagat.
Agad naman nadala sa pagamutan si Payusan na umano’y naputulan ng binti ng pumulupot sa kanya ang isang kable habang sinisikap na mailigtas ang mga pasahero ng tumaob na motorboat.
Inabot umano ng masamang panahon ang M/B Mansan kung kaya’t binayo ito ng malalaking alon at malakas na hangin. Walang inulat na nasawi sa sakuna, ayon pa sa ulat ng Coast Guard.
Galing sa Bohol ang motorboat at patungo sana sa isang fish port sa Cebu ng maganap ang trahedya. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates