KIDAPAWAN CITY – Pinatay kanina ng mga hinihinalang hitman ang municipal agriculturist ng bayan ng Arakan sa North Cotabato matapos itong tambangan sa highway habang patungo sa trabaho.
Nakilala ang biktima na si Edgar Araña, 57, at ayon sa pulisya ay sakay ng kanyang motorsiklo ang opisyal ngunit dinikitan ito ng isa pang motorsiklo lulan ang mga kriminal at saka niratrat. Dead on the spot ang biktima samantalang tumakas naman agad ang mga salarin.
Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpaslang kay Araña at kung sino ang nasa likod nito at mastermind. Agad naman itong kinondena ng mga ka-trabaho ng biktima at humihingi ng hustisya.
Walang inilabas na anumang pahayag ang pamilya ni Araña dahil nabigla sa natanggap na masamang balita. Inaalam pa ng pulisya ang posibleng dahilan ng krimen o kung may kinalaman ba ito sa kanyang trabaho o personal ang motibo. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper